MULING PAGBUHAY SA UPPEJA FELLOWSHIP MALAKING TULONG SA PAGREPORMA SA PHILIPPINE EDUCATION

MINSAN, hindi rin natin mapigilan ang maging emosyonal, lalo’t muling naipaalala sa atin nitong mga nakaraang araw ang mga iniwang marka sa lipunan ng ating namayapang ama, si dating Senate President Ed Angara.

Edong kung tawagin ng mga kaibigan, Tio Eddie kung tawagin ng mga minamahal niyang pamangkin at ng malalapit pang kakilala.

Nitong Setyembre 24, kung nabubuhay sana siya, 89 taong gulang na siya. Matan- da na. Pero naniniwala ako na walang kupas ang angkin nyang tali- no at talim ng pag-ii- sip. Para sa mga kaibigan at kakilala niya sa loob at labas ng politika, basta mabanggit mo ang pangalang Edgardo Angara – isa lang ang madalas na deskripsyon – ‘naku… napakagaling nyan.

Napakatalino.’ Limang taon na ang nakararaaan mula nang pumanaw siya noong Mayo 2018.

Limang taon na pero hanggang ngayon, miss na miss pa rin siya ng kanyang pamilya, lalo na ng kanyang mga apo.

Limang taon na ang nakararaan, pero hanggang ngayon, markado pa rin ng kanyang pangalan ang mga batas na kanyang nilikha – ang lahat ng kanyang napagtagumpayang proyekto at programa na ngayon ay malaking kapakinabangan sa mas nakararaming Pilipino.

Isa sa mga programang nagpakinang sa legasiya ng aking ama ang University of the Philippines President Edgardo J. Angara (UPPEJA) Fellowship Awards. Ilang taon din itong hindi gumalaw lalo pa’t pumanaw nga siya, subalit masaya tayo dahil ngayong taon, muli itong binuhay ng Unibersidad ng Pilipinas.

Ang UPPEJA po ay itinatag noong Setyembre 29, 2008 ng UP Board of Regents at ipinangalan kay dating Senator Edgardo Angara. Para po sa kaalaman ng lahat, si Ed Angara po ay naging pangulo ng UP sa loob ng anim na taon – mula 1981 hanggang 1987, kasabay ang panunungkulan bilang Chancellor ng UP Dili- man mula 1982 hanggang 1983.

Ano ang UPPEJA Fellowship? UPPEJA is a grant for pioneering policy research. Nilalayon po nito na maisulong
ang isang mataas na antas ng pananaliksik at diskusyon tungkol sa iba’t ibang usaping may kinalaman sa national development, science and technology, economic development, environment and climate change, good governance and communications.

Ito po ay isang katangi-tanging parangal na ipinagkakaloob sa mga scholars na nakilala sa buong bansa dahil sa kanilang mga dekalidad na pananaliksik.

Noong 2011, ang initial batch of fellows po na pinarangalan ay kinabibilangan ng kilalang great thinkers sa bansa tulad ng mga UP professors na sina Raul Fabella, Raul Pangalangan (na naging ICC judge), Ramon Pedro Paterno at Gerardo Sicat.

Ang sumunod na batch naman ng UPPEJA Fellowship awardees ay sina Herman Joseph Kraft (2013), Clarissa David (2015), Stella Luz Quimbo (2015), Caesar A. Saloma (2015), Lucia P. Tangi (2015), at ang yumaong propesor ng UP na si Dr. Aileen San Pablo Baviera (2015)—kilala rin sa kani-kanilang taglay na kahusayan.

Nito ngang nakaraang Setyembre 26, inihayag ang pangalan ng 23 UPPEJA fellows na inatasang magsagawa ng mga pag-aaral sa 10 priority areas on education reform base sa pagtukoy ng Second Congressional Commission on Education o EDCOM 2. At kabilang sa mga ‘yan sina National Scientist Carmencita Padilla; Commission on Population and Development Executive Director Dr. Lisa Grace Bersales; Dr. Michael Alba, na dating pangulo ng Far Eastern University (FEU); Dr. Luis Rey Velasco, dating chancellor ng UP Los Baños; Dr. Elizabeth King; Dr. Rosario Manasan; Dr. Dina Ocampo; Kenneth Isaiah Abante, Riza Supreme Comia; Dr. Cleve Arguelles; Joel Mendoza; Dr. Krista Danielle Yu; Dr. Michael Cabalfin; Dr. Assunta Cuyegkeng; Dr. Geoffrey Ducanes; Dr. Ma. Regina Hechanova Alampay; Dr. Enrique Niño Leviste; Dr. Ma. Glenda Lopez Wui; Carolyn Medel-Añonuevo; Dr. Maria Mercedes Rodrigo; Dr. Luis Sison; Dr. John Paul Vergara; at si Dr. Felicia Yeban.

Bago pumanaw ang aking ama na nagsilbing chairman ng EDCOM 1, ipinahayag nya ang kagustuhang tutukan ng fellowship ang estado ng edukasyon sa bansa. Alam naman natin kung ano ang nangyayari ngayon sa Philippine education at ito ang nais resolbahin ng ating namayapang ama.

Hulyo taong 2022, naisabatas ang Republic Act 11899 o ang batas na lumikha sa EDCOM 2 kung saan ang pangunahing layunin ay magkaroon ng komprehensibong pag-aaral sa estado ng ating education sector at resolbahin ang mga kinakaharap na malalaking problema nito.

Napakalaking araw para sa aking pamilya na muling nabuhay ang parangal na ito na ipinangalan sa aking yumaong ama. Kaya para sa lahat ng muling nagpakinang sa programang ito sa pangunguna ni UP President Angelo “Jijil” Jimenez, maraming, maraming salamat po sa inyo.