CEBU – Naglaan ng multi-bilyong proyekto sa sektor ng real estate ang Cebuano property developer Priland Development Corporation sa bahagi ng Mindanao, partikular sa Cagayan de Oro at Davao City.
Sa pahayag ni Priland Development Corporation president Ramon Carlo Yap, bukod sa mga proyektong naitayo sa Cebu province, simula sa susunod na taon ay may nakalinyang bagong multi-bilyong proyekto sa mga lungsod ng Cagayan de Oro at Davao.
“The company is ready to address the rising demand for residential and office units in Mindanao in particular, Priland will soon introduce a mid to high-end residential project in Davao City, situated in a 50 hectare property,” wika ni Yap.
Sinabi pa ni Yap na ang Cebuano development companies, tulad ng Cebu Landmasters Inc., Grand Land Inc., at iba pa ay nakahandang palawakin ang operasyon ng real estate sa Mindanao.
Aniya, aabot sa P3-bilyon ang magagastos sa tatlong proyekto sa Cebu na ilulunsad ngayong taon.
Nabatid na noong 2013 ay umabot sa walong proyekto sa sektor ng real estate ang inilunsad ng Priland company sa Metro Cebu na karamihan ay sold out na. MHAR BASCO
Comments are closed.