NADINE LUSTRE ATRAS SA MOVIE NILA NI AGA

NADINE LUSTRE

SOBRANG pagod ang ibinigay na dahilan ni Nadine Lustre kaya siya nagdesisyong atrasan ang “Miraclehotshots In Cell No. 7” entry movie nila ni Aga Muhlach sa darating na Metro Manila Film Festival  2019 sa December.

Sinabi ni Nadine sa interview ng ABS-CBN na pangatlong movie na raw niya kasi ngayong taon ang nasabing movie ni Aga. She felt dawn a kailangan niya ng break.

“Kasi  medyo na bu-burnout na din po ako kasi naka-dalawang pelikula na ako this year. Mahirap din po na gumawa ng pelikula kasi other  than  shooting, meron pang promotion,” aniya.

Hindi niya itinanggi nanghihinayang din siya dahil napakagandang ng project pero mas importante raw kasi ang kanyang health. May darating pa naman daw sigurong magandang project sa kanya sa hinaharap.

TOM AT CARLA NAGBAKASYON SA THAILAND   

NASA bakasyon ang magdyowang Carla Abellana at Tom Rodriguez sa Phuket, Thailand  at makikita ngatom at carla sa post nila ang kanilang sweetness.

Nag-stay  sila sa Avista  Hideaway Phuket Patong Gallery Hotel para magkaroon sila ng quality time sa isa`t-isa bago sila magsimula sa bago nilang teleserye.

Pagkatapos kasi ng ilang buwan ay nga­yon lang daw sila ulit nakapagbakasyon dahil naging busy sila sa kanilang mga shows.

Kaya sina­mantala na nila ang pagkakataon na makapagbakasyon na walang iniisip na taping.

Dahil nasa resort hotel sila tumuloy ay hindi nagpaawat si Carla na mag-swimming at ilantad ang kaseksihan sa suot na one-piece black swimsuit kung saan lumantad ang kanyang dibdib.

MANILA SENIOR CITIZENS NATUWA SA BENEFITS GALING KAY ISKO

isko morenoNATUWA ang mga senior citizen ng Kamaynilaan nang pirmahan ni Mayor Isko Moreno ang P500 benefit na matatanggap ng mga senior citizen  na naninirahan sa Maynila.

Marami kasing “multo” nangyayari sa mga benefit na matatanggap ng mga senior na kahit mayroon ay hindi nakakarating sa mga ito.

Dahil hangarin po namin ay mawala ang corruption sa aming Barangay 492  Zone 49, District IV, Sampaloc Manila ay nagtalaga ng bagong Pangulo ng mga Senior Citizen ang aming Barangay Chairman na si Mario Lopez para matigil na kung mayroon man nangyayaring milagro sa senior citizen benefits.

Nagpunta kami sa OSCA sa Dapitan Complex, Manila para alamin ang mga dapat malaman sa pagkuha ng mga dapat na benefit ng mga senior.

Salamat sa magandang pagtanggap at pagmumulat ng mga dapat malaman para sa mga senior citizen na maganda at malinaw na paliwanag ni Mam Arci at pag-aasikaso sa amin ni Mam Precy, kasama po ang inyong lingkod bilang Pangulo ng senior citizen at kagawad na sina Feliciano Ventura, Edna Garcia at Larry Sta Maria.

Makikita sa larawan sina Mam Precy, Mam Arci at Chairman Mario Lopez, Ventura, Garcia, Sta Maria at inyong lingcod, Gerry Ocampo.

Comments are closed.