MATINDI ang patutsadahan nina Nadine Lustre at veteran showbiz columnist-radio host na si Cristy Fermin. Nag-ugat ito sa kumento ng ilang netizens na tumataba ang actress na sinusugan pa ni Ate Cristy.
Ani Ate Cristy, si Nadine mismo ang nagbabalandra ng katawan nito sa Siargao kaya napapansin ng netizens na nadagdagan ang timbang nito.
Rampa raw kasi ng rampa si Nadine sa Siargao na naka-two-piece. Nagpapapansin, pero nang mapansing mataba, nagalit. Sabi pa ni Cristy, binibigyan lang ni Nadine ng dahilan ang netizens para i-bash siya.
Sagot naman ni Nadine, tsismosa lang talaga si Cristy at toxic pa. Kung ang sinasabi raw ni Cristy at ng mga netizens ay ang picture niya na bumibili ng sarsa ng litson, litson manok daw ang ulam niya para hindi na ito manghula.
Ilang buwan na sa Siargao si Nadine, kasama ang rumored boyfriend na si Cristophe Bariou. In fact, nagparehistro na para bumoto si Nadine sa Siargao. – KAYE NEBRE MARTIN