IRITADANG kinondena ni Nadine Lustre ang isinulat na artikulo ng veteran entertainment editor/columnist na si Ricky Lo for The Philippine STAR.
In that article, Ricky confirmed what columnist Jojo Gabinete wrote about Nadine and James Reid’s status.
Nag-alsa balutan na raw diumano si Nadine sa tinitirhan nilang bahay sa Quezon City ni James at ngayo’y kasalukuyang nakatira sa isang posh condo unit somewhere in Makati City.
Sa nasabing artikulo, it was stated that James carried the break-up stoically since Nadine is known for her ‘mental illness’.
Ricky wrote: “James is handling the breakup with care to cushion the impact on Nadine who has admitted grappling with mental illness.”
Tinanggal supposedly ang bahaging ito sa online edition ng pahayagan na lumabas din noong Sabado, January 4.
Last January 5, Nadine voiced out her innermost feelings in her Instagram Stories.
Nagprotesta siya sa paggamit ni Ricky sa salitang “mental illness.”
Nadine heatedly said: “First off, that was so low @therealrickylo @philippinestar.
“Second, none of what you said was true & It is NEVER okay to use someone’s mental situation/tragic past just to prove a point. Mental Ill-ness is a very sensitive matter.
“And last, you think you know so much about me, you can’t even get my last name right. ANU NA, 2020 NA!!”
In answering Ricky, this is the first that Nadine talked about her rumored breakup with James basically because of “irreconcilable differ-ences.”
MULTONG BAKLA ‘DI MAKA-MOVE ON SA PAGKATALBOG SA KANYA NI AGA MUHLACH
SA “It’s Showtime,” buong ningning na ini-announce ni Vice Chakitah ang kinitang 300 million supposedly ng kanyang basurang pwelikula. Harharharhar!
300 million nga ang kinita ng kanyang basurang pwelikula, kumustahin mo naman ang income ng pelikula ni Aga Muhlach na Miracle in “Cell No. 7?” Almost 400 million daw lang naman. Hahahahaha!
Sinabi rin niyang mga pelikulang nakapagpapawala raw ng stress ang dapat na i-patronize ng mga tao at hindi ‘yung mga depressing na pe-likula. Talaga lang ha? Hahahahaha!
Mabuti nga at pinanood pa ng mga otawzing ang pwelikula n’yong basura talaga at walang maituturong good values sa mga tao.
Yuck!
Ngayon siguro ay mababawasan na ang pagiging ilusyunada ng hamonadang baklang limang ulit nagpalit ng dentures (Hahahaha!) at bakol-bakol ang wetpaks. Hahahahaha!
‘Yun lang!
‘BAWAL JUDGMENTAL’ EPISODE TRENDING SA PAG-OUT NG GAY CONTESTANTS
FORMER Miss International 1979 Melanie Marquez was the celebrity player at the ‘Bawal Judgmental’ portion of Eat Bulaga. Pinahulaan sa episode na ‘yun kung sino sa mga invited guest ang hindi pa umaamin sa kanilang pamilya na gay sila.
Naging maramdamin ang rebelasyon ng mga male guest dahil sa kanilang malulungkot na karanasan at desisyong aminin on national televi-sion ang tunay na sexual orientation nila.
Hindi lang ang studio audience at televiewers ang napaluha, kahit ang mga hosts na sina Vic Sotto, Paolo Ballesteros, Allan K. at Joey de Leon ay napaluha rin sa intimate and raw confessions of the male guests.
Ang makabagbag-damdaming kuwento ni Jimar was one of the confessions that brought tears into the eyes of Vic and Paolo.
Hindi raw kasi niya nakagisnan ang kanyang biological father at nakilala lang niya ito last 2014 but he didn’t tell his mother about it.
Apart from his confession that he was gay, sinasaktan din daw siya ng kanyang stepfather when he was still a young boy.
Jimar’s appeal to his mom also made the studio audience cry. Jimar’s biological father’s presence at the studio brought tears to the hosts of Eat Bulaga.
Ang Bawal Judgmental ang two-month old segment ng Eat Bulaga ang sinusubaybayan ngayon ng televiewers at malaki ang nagawa para maungusan ng Eat Bulaga ang kanilang katapat na programa.
Follow me on Twitter at Pete Ampoloquio, Jr.
And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!
Comments are closed.