NAG-ARAL SA TESDA, MAY-ARI NA NG 2 SCHOOLS

“It is never too late to learn things. Dreaming of a good future is not only for the young.”

Ito ang paniniwala ni Ma. Elna T. Romero, isang retiree, nag-aral sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na ngayon ay nagmamay-ari na ng dalawang training centers.

Si Elna na galing Region VI ay kasama sa 20 napiling nominado para sa TESDA Idols 2018, Self-Employed Category.

Nang magretiro siya sa kanyang trabaho noong 2017 bilang vice president for corporate training sa isang free-need company, wala siyang magawa kaya nagdesisyon itong dumalo sa isang community-based training sa kursong spa therapy na inialok ng TESDA.

Matapos niyang makuha ang kanyang Massage Therapy NC ll noong 2007 sa Asiantouch International Training Institute Inc. sa Iloilo City, nag-aral din siya ng trigger-point therapy, herbology and herbolism, soap making at food preservation.

Sa hangarin nitong maging dalubhasa sa herbology and herbalism, nag-aral pa ito sa ibang bansa gaya ng  Vietnam, Indonesia at Thailand at ang kanyang kasanayan ukol dito ay ibinabahagi niya sa kanyang mga estudyante.

Noong 2008, itinayo ang kanyang negosyo na pinangalanan “My Spa Therapy and Massage Clinic” sa Quezon St., Iloilo City.

Dahil sa magandang serbisyo at ma­rami ang nasiyahan sa kanilang therapeutic massage services, patuloy na dumarami ang kanilang kliyente.

Maliban sa kanyang sariling spa and massage clinic, na­ging operator din siya ng spa sa Club Panoly na  ngayon ay Panoly Resort sa Boracay Island at sa Iloilo noong 2009 hanggang 2013.

Naging operator din siya ng “Sanctuary Spa” sa El Grande Resort Spa and Convention Cen­ter (EGRSCC) sa Jaro, ­Iloilo City simula 2011 hanggang 2015.

Dahil sa dumarami ang mga taong nagkakagusto at interesado tungkol sa therapeutic massage, nagtayo

siya ng sariling training center noong December 2011 ¬ ang St. Nicolas Training Institute, Inc. sa Jaro at ngayon ay mayroon na itong branch sa Libertad, Antique.

Ngayong naging abala na rin siya sa kanyang dalawang iskul, massage clinic at assessment center, nagdesisyon si Elna na bitawan na ang mga hawak na spa clinics sa Club Panoly at EGRSCC.

Sa kabila na matagumpay na ang kanyang negosyo, hindi tumitigil sa pag-aaral si Elna ng iba’t ibang skills, sa paniniwala na ang kasanayan ay isang bagong “global currency” na maaari mong gamitin anumang oras kung kinakailangan.

Sa katunayan, holder siya ng 10 trade qualification na kinabibilangan ng Massage Therapy NC ll, Hilot NC ll, Housekeeping NC ll, Barista NC ll, Beauty Care NC ll, Dressmaking NC ll, Tailoring NC ll, Food and Beverages Services  NC ll, Events Management Services NC lll at iba pa.

“My Tesda journey started with just a community training in therapeutic massage.  I never expected that

such skills training would lead me to where I am today.  I believe that nothing is ever too late if we put our minds and hearts into it.  I thank TESDA for the opportunity of making the difference not only in my life but also in the lives of so many TESDA scholars.  I am thankful that I am blessed to be working and earning, at the same time being given the chance to help others improve their lives.  St. Nicolas Training Institute Inc. and myself would continue to give quality training programs, adhering to our advocacy of “helping others help themselves, especially the lost, the least and the last in the community”.  I wish more people would realize that skills are the new global currency. Being competent is equivalent to holding that global currency that you can use anytime you need it,” pagtatapos ni Elna.

Comments are closed.