BULACAN-TATLONG wanted na nagpanggap na DSWD worker sa distribusyon ng Social Amelioration Programsa San Jose del Monte(SJDM) City ang nadakip habang 16 na drug suspects kabilang ang isang tanod na nakatanggap ng ayuda sa gobyerno at ipinuhunan sa pagtutulak ng shabu ang nadakip ng Station Drug Enforcement Unit(SDEU)sa serye ng buy-bust operation sa ibat-ibang bayan sa lalawigang ito kamakalawa ng gabi.
Base sa report kay P/Col.Lawrence B. Cajipe,Acting Provincial Director ng Bulacan PNP, nakilala ang mga naarestong sina Arnel Telic, 42, barbero ng Barangay Bagong Buhay II,SJDM na nadakip sa kasong frustrated murder; Marvin Camota,33,construction worker at Regina Crisostomo,29,kapwa nakatira sa Barangay San Rafael at kapwa wanted sa kasong frustrated homicide.
Nabatid na kamakalawa ng tanghali nang magpanggap na DSWD workers ang tatlong suspek sa kanilang lugar at nakihabilo sa pamimigay ng ayuda ngunit hindi sila nakatakas sa awtoridad na armado ng warrant of arrest kaya inaresto ang tatlong suspek sa magkahiwalay na barangay sa SJDM City na pawang umaktong social worker sa pagaakalang hindi sila mabibisto ng awtoridad.
Samantala,16 na drug suspect kabilang ang isang barangay tanod na frontliner at nakatanggap ng ayudang P6,500 sa DSWD na kanyang ipinuhunan sa pagtutulak ng shabu ang nadakip ng SDEU sa Barangay Bulihan,Plaridel habang nakorner din ang iba pang suspek sa mga bayan ng Bulakan,San Miguel at SJDM City sa magkakahiwalay na anti-llegal drug operation kamakalawa ng gabi sa lalawigang ito.
Sinabi ni P/Lt.Col.Victorino Valdez,Plaridel police chief, na ang tatlo sa mga naaresto ay pawang kabilang sa Staton Drug Watchlist at matagal nang sinusubaybayan ng awtoridad matapos na bigla na lamang mawala sa kanilang tirahan sa bayan ng Baliuag at lumipat ng mauupahang bahay.
Tiniyak ng Bulacan PNP,na patuloy ang kanilang kampanya laban sa iligal na droga at kriminalidad habang patuloy na umiiral ang Enhanced Community Quarantine(ECQ)kungsaan sinasamantala ng mga sangkot sa droga ang maluwag na kalsada sa kanilang iligal na operasyon ngunit nahaharang sila sa mga check-point. MARIVIC RAGUDOS
Comments are closed.