NAGBANTA si Land Transportation Office (LTO) chief Assistant Secretary Jose Arturo Tugade sa mga naglipana at hindi awtorisadong “habal-habal” na kakasuhan ng paglabag sa kolorum sakaling sila ay mahuling nag-aalok ng sakay sa mga pasahero.
“There is no law that authorizes, recognizes, and regulates ‘habal-habal’ to be a mode of public transportation so what they are doing is illegal,” babala ni Tugade.
Kasabay nito pinaalalahanan din ng LTO ang mga kasapi ng Motorcycle Taxi Pilot Study Program, na iwasan ang maningil ng mataas na pasahe sa kanilang mga mananakay.
Ang aksiyon ng LTO ay makaraang makatanggap ng mga reklamo ang ahensiya mula sa mga commuter hinggil sa mga motorcycle rider na naniningil ng labis na singil kahit sa maikling distansya.
Paniniyak naman ng tatlong partisipante ng MC taxi pilot na hindi sila papayag na mag-overcharge ang kanilang mga sakay sa mga pasahero. BENEDICT ABAYGAR, JR.