MAHIGIT P293 million na financial assistance ang naipamahagi na sa mga komunidad na sinalanta ng bagyong Odette, ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Sa kanilang report, sinabi ng DSWD-Disaster Response Operations Monitoring and Information Center na nasa P293,352,307 na cash aid na ang ipinagkaloob ng ahensiya sa local government units at non-government organizations.
Kabilang sa mga lugar na sinalanta ng bagyo ay ang Mimaropa, Region 5, Region 6, Region 7, Region 8, Region 9, Region 10, Region 11, Region 12, Caraga, at BARMM.
Sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nasa 407 katao ang nasawi — 75 ang kumpirmado at 332 ang bina-validate – sa pananalasa ni ‘Odette’.
Nasa 1,241,954 pamilya o 4,876,254 individuals naman ang naapektuhan ng bagyo.
Samantala, naibalik na ang supply ng koryente sa 206 mula sa 284 apektadong lungsod at munisipalidad.
Naibalik na rin ng pamahalaan ang communication lines ng 84 mula sa 125 apektadong lungsod at munisipalidad.