Nakatakda ang kauna-unahang SONA ni PBBM sa Lunes, Hulyo 25.
Gusto ring marinig ni Padilla kung ano ang balak ng Pangulo sa iba pang programa ni dating Pangulong Rodrigo Duterte tulad ng anti-drug war at ‘Build Build Build’ program.
“Excited ako ano ba sasabihin niya tungkol sa drug war. Ano’ng sasabihin niya tungkol sa ‘Build Build Build’ Tungkol sa agriculture. Ito dito kami nagkakatugma ni PBBM sa plataporma na dapat buhayin natin ang agriculture. Gusto ko marinig lahat iyan,” ayon sa senador.
“Agriculture, kailangan na natin mag-produce ng sariling pagkain. Trabaho. At higit sa lahat ang sa Saligang Batas,” dagdag pa niya.
Ayon kay Padilla, nais niyang malaman ang programa ng administrasyong Marcos sa koryente – kasama na ang balak niya na paggamit ng nuclear energy – dahil uso pa rin ang brownout sa marami pang lugar tulad ng Occidental Mindoro.
“’Yung tao roon, isinisigaw nila, kailangan namin ng koryente. Gusto ko malaman ano plano niya rito,” ani Padilla.
VICKY CERVALES