(Naitala noong Abril) 3.666M PASAHERO SA NAIA

NAKAPAGTALA ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA), ang main gateway ng bansa, ng higit 3.666 milyong pasahero noong April 2023.

Mas mataas ito ng 50 percent kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

“Combined with domestic figures, NAIA registered a total of 3,666,503 passengers and 22,816 flights in April 2023,” pahayag ng Manila International Airport Authority (MIAA), na nangan- gasiwa sa NAIA.

Ayon sa MIAA, ito ang pinakamataas na passenger volume at flight movement sa isang single month magmula nang pumutok ang COVID-19 pandemic.

Noong April 2022 ay nasa 2,447,795 pasahero ang naitala ng NAIA.

Samantala, iniulat ng MIAA ang two-fold increase sa bilang ng international passengers noong April 2023 sa 1,677,779.

Kumpara noong Abril ng nakaraang taon, may 663,824 international passengers at 4,494 international flights.

Ang air travel ay labis na naapektuhan sa unang mga buwan ng pandemya.

Subalit sa pagluwag ng restrictions ay bumabalik na ang bilang sa pre-pandemic levels, lalo na sa gitna ng “revenge travel.”