NABUHAYAN at nagdiwang ang AlDub Nation (ADN), mga fans ng phenomenal love team nina Alden Richards at Maine Mendoza, nang without notice from the longest-running noontime show, ang “Eat Bulaga” na patuloy na nagri-replay ng mga episodes ng show na nasa ika-40th year na nila sa ere, ay ini-replay ang first Lenten presentation nila na nagtampok kina Alden at Maine, ang “God Gave Me You,” last Saturday, April 18.
Pero nang kumalat na sa social media na airing ang nasabing episode na nagtatampok din kina Ciara Sotto, Jose Manalo, Wally Bayola, Michael de Mesa at introducing naman si Jake Ejercito, sa direksyon ni Bb. Joyce Bernal, mabilis na nag-trending ito sa Twitter at sa Facebook page ng “Eat Bulaga.”
Kaya naman tuwang-tuwa ang mga ADN, iyong mga senior fans, di nakatiis mag-tweet na naiiyak sila sa tuwa at muli raw silang sumaya nang makitang magkasama ang dalawa nilang idolo kahit replay lamang iyon. Kaya ang request nila ngayon ay sana raw ay ipalabas din ang isang drama special nina Alden at Maine, titled “Love Is” na dramang-drama rin ang concept. Bale iyon ang huling drama special nila at hindi na iyon nasundan, dahil ang mga sumunod nilang Lenten Special ay magkahiwalay na lagi ang magka-love team.
Kung meron silang gustong i-replay ng “Eat Bulaga,” since nasa enhanced community quarantine tayo ngayon dahil sa COVID-19 na walang makapag-taping ng fresh episodes, ay ang “Tamang Panahon” na unang nagkita in person sina Alden at Maine na naganap sa Philippine Arena sa Bulacan, five years ago, last October 24, 2015.
(‘Di makalabas ng bahay) HEART EVANGELISTA INAATAKE NG ANXIETY ATTACK DAHIL SA ECQ
INAMIN ni Kapuso actress Heart Evangelista na inaatake siya ng anxiety sa gitna ng enhanced community quarantine. Nahihirapan din daw siyang manatili sa tahanan dahil siguro nga ay hindi siya sanay na laging nasa bahay. Kaso iyon ang pakiusap ng gobyerno para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 virus. Kaya sa kanyang Instagram ibinahagi ni Heart na may mga araw na nakararanas siya ng anxiety attacks, na nahihirapan siyang labanan ito.
“On some days, battling anxiety gets really tough, I just keep telling myself that as long as I keep pushing and fighting my demons, my happy heart will keep beating,” sabi ni Heart. “Kaya malaking tulong sa akin ang pagpipinta para makalma ko ang sarili ko.”
Kaya thankful si Heart sa encouraging messages sa kanya ng kanyang followers at fellow celebrities like Angelika dela Cruz, Iza Calzado and Kristine Hermosa.
Ginawa ring busy ni Heart ang sarili sa pamamahagi ng PPEs at relief goods sa mga frontliner at apektado ng COVID-19. Nananatili lamang sa bahay nila ni Sorsogon Governor Chiz Escudero sa Quezon City si Heart kasama ang dalawang anak nila, since ang husband niya ay nasa Sorsogon dahil hindi nito mapapabayaan ang kanyang mga constituents dahil sa nangyayari ngayon.
Comments are closed.