(Nasawi sa Bagyong Quinta umabot na sa 9) PANIBAGONG TYPHOON PINAGHAHANDAAN

bagyo

KINUMPIRMA kahapon ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) na umakyat na sa siyam ang bilang na naitatalang nasawi sa pananalasa ng Bagyong Quinta sa Visayas at Mimaropa Regions.

Kasabay nito, naghahanda naman ang Office of Civil Defense (OCD) sa paparating na sama ng panahon na inaasahang magiging isang ganap na bagyong tatawaging Rolly.

Sa ulat na nakalap ng NDRRMC , siyam na ang bilang ng mga nasawi dahil sa panalalasa ng Typhon Quinta mula sa Re-gions 4-A, 4-B, VI, at VII habang inaantabayanan  pa ang pagkakilanlan ng mga nasawi sa Region VII.

Ayon sa NDRRMC, maliban sa siyam na nasawi ay nakapagtala rin ng 6 na sugatan at 2 pa ang nawawala.

Umabot na sa 49,557 na pamilya ang naapektuhan ng bagyo o 209,457 na katao mula sa 787 na mga barangay.

Sa nasabing bilang, 12,223 na pamilya pa ang nasa mga evacuation center. VERLIN RUIZ

Comments are closed.