(Natakot sa banta ni Duterte) SUMUSUKONG PRESO DUMARAMI

Duterte

CAMP CRAME – NADARAGDAGAN pa ang bilang ng mga presong napalaya sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law.

Kahapon ng umaga, batay sa ulat sa Camp Crame, 13 na ang sumuko sa Philippine National Police (PNP).

Batay ito sa monito­ring ng National Operation Center ng PNP simula alas-12:00 ng hatinggabi noong  Setyembre 5, ilang oras makaraang magsalita si Pangulong Rodrigo Duterte hinggil dito.

Sa ulat, 11 sa mga preso ay sumuko sa mga Police Station sa Region 2.

Isa ang sumuko sa police station sa Region 7 at isa sa National Ca­pital Region Police Office (NCRPO).

Ang mga kaso ng mga ito ay lima ang murder, tatlo ang rape, dalawa ang robbery with rape, isa ang murder and robbery, isa ang attempted rape with homicide at ang isa naman ay lumabag sa RA 6425.

Samantala, may ulat din na may nagsisuko sa  headquarters ng Bureau of Correction sa Muntinlupa City, 20 naman sa Cagayan at tig-isa sa Cebu, Laguna at Ifugao na may kabuuang  33 na ang sumuko. REA SARMIENTO/VERLIN RUIZ

Comments are closed.