NAT’L TRADE FAIR DIGITAL MALL INILUNSAD NG DTI

NAT’L TRADE FAIR DIGITAL MALL

BILANG kapalit ng nakaugaliang national trade fair (NTF) na inoorganisa taon-taon, inilunsad ng De-partment of Trade and Industry-Bureau of Domestic Trade Promotion (DTI-BDTP) ang national trade fair digital mall upang tugunan ang mga hamon ng micro, small, and medium enterprises (MSMEs) sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Pormal na nagbukas noong Martes, ang NTF digital mall ay isang platform na nag-aalok ng tuloy-tuloy na promosyon ng food at non-food products mula sa iba’t ibang rehiyon sa gitna ng physical re-strictions ng pandemya.

Isang proyekto ng DTIBDTP sa pakikipagtulungan ng DTI-Regional and Provincial Offices, ang NTF digital mall ay isang e-commerce platform sa loob ng UB GlobalLinker site na naglalayong tulungan ang MSMEs na ma-future-proof ang kanilang mga negosyo sa paglipat sa online selling.

Tulad ng lahat ng national trade fairs, ang digital mall ay nagpapakita ng best products ng 223 MSMEs mula sa lahat ng bahagi ng bansa.

Ang mga tampok na produkto ay kinabibilangan ng processed food and beverages, gifts and souvenirs, houseware and decor, fashion accessories, wearables, at health and fitness products. “For a more convenient online shopping experience, the NTF digital mall features a product catalog with a facility to search for a specific product or product category.

For easier transactions, buyers can connect with the MSMEs via the Viber app for secure instant mes-saging.

Visitors will also have access to DTI webinars, and can read about the participating exhibitors’ inspira-tional success stories,” ayon sa DTI-BDTP.

Comments are closed.