UPANG makatulong at makadagdag sa kita ng kanilang pamilya, naisipan ng isang ginang na mag-enroll ng Prepare Hot Meals Leading to Cookery NC ll sa ilalim ng 2018 Special Training for Employment Program (STEP) ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) upang madagdagan ang kanyang kaalaman para sa kanyang online business.
Si Evelyn ‘Eving’ Balbuena Magallanes, 37-anyos, may dalawang anak na lalaki, 12 at 10 taong gulang, ay nakaranas ng hirap sa kanilang gastusin dahil nakadepende lamang siya sa maliit na kinikita ng kanyang asawa bilang security guard.
Nakatapos ng 2-year Nursing Associate si Eving sa Polytechnic and Allied Medical College sa Dumaguete noong 2002.
Sinubukan niyang magtrabaho sa Dibba Alhissan, Sharjah, Dubai bilang “all-around Domestic Helper” noong 2004. Gayunpaman, hindi nito natapos ang kanyang 2-year contract dahil natalo siya ng homesick, at pinagseselosan siya ng lola ng kanyang employer kaya napaaga ng tatlong buwan ang kanyang pag-uwi sa bansa noong 2006. Sa parehong taon din sya nakapag-asawa.
Sa hirap ng buhay, gumagawa siya ng mga paraan upang makatulong sa kanilang pinansiyal na pangangailangan bilang tindera sa isang school canteen sa kanilang lugar.
“I heard TESDA from a lot of friends before, I thought its programs and services are exclusive only to those who have not pursued college, but I was wrong,” ani Eving.
“Life is too tough. I’ve been buying/selling anything which I thought could help even a little financially considering that my husband’s salary as a Security Guard is not enough for the family’s expenses,’’dagdag pa niya.
Kaya naman, ginamit ni Eving ang kanyang bakanteng oras sa free training na inaalok ng TESDA – Province of Dinagat Islands na may kaugnayan sa kanyang hilig sa pagtitinda ng pagkain. Nag-enrol siya sa Prepare Hot Meals Leading to Cookery NC II sa ilalim ng 2018 STEP Program. Dahil sa training, mas nagkaroon siya ng tiwala sa kanyang sarili pagdating sa paggawa ng mga panindang pagkain. Ibinibenta niya ito online gamit ang kanyang FB account.
Sumailalim din siya sa entrepreneurship seminar ng Department of Trade and Industry (DTI-Province of Dinagat Islands) na nagbigay sa kanya ng maraming ideya sa packaging, costing at marketing ng kanyang mga produkto.
Maliban sa pagkain, pinalawak niya ang kanyang online business sa pagbebenta ng iba’t ibang produkto at beauty products. Ang nasabing mga inisyatibo ay talagang nakakatulong sa kanyang pamilya financially.
Ngayon, nagsisimula na siyang anihin ang bunga ng kanyang pagsisikap, naiisip nito na ang tamang sangkap ng tagumpay ay sipag, tiyaga, pasensya at positivity. Malaki ang kanyang tiwala na magka-karoon din siya ng sariling negosyo tulad ng catering services.
Comments are closed.