NAGKASUNDO ang Los Angeles Lakers at si three-time All-Star center Marc Gasol sa isang two-year deal.
Batay sa report, binuksan ng Lakers ang cap room para kay Gasol sa pag-trade kay center JaVale McGee at sa second-round draft choice sa Cleveland Cavaliers para kina forwards Jordan Bell atAlfonzo McKinnie.
Ang dalawang players ay may non-guaranteed contracts, kaya maaaring panatilihin ng Lakers ang mga ito o piliing i-waive ang isa o pareho.
Ang 35-anyos na si Gasol ay nasa downside ng kanyang career makaraang maging stalwart para sa Memphis Grizzlies sa loob ng 10 1/2 seasons. Ginugol niya ang nakalipas na 1 1/2 seasons sa Toronto Raptors at naging key figure sa 2019 championship team.
Si Gasol ay may average na 7.5 points at 6.3 rebounds sa 44 games (43 starts) noong nakaraang season.
Inisyal siyang second-round draft choice ng Lakers noong 2007 subalit naglalaro sa Spain nang dalhin siya sa Memphis noong February 2008 sa isang deal na nagdala sa kanyang nakatatandang kapatid na si Pau sa Los Angeles.
Si Gasol ay first-team All-NBA selection para sa 2014-15 season at second-team choice ng sumunod na season. Siya ang NBA Defensive Player of the Year para sa 2012-13 campaign.
Sa 12 NBA seasons, nagtala siya ng career averages na 14.6 points, 7.6 rebounds at 3.4 assists sa 839 career games (824 starts). Nagposte rin siya ng 1,196 blocked shots, na pangwalo sa mga active player.
Ginugol ni McGee ang nakalipas na dalawang seasons sa Lakers. Ang 32-anyos ay may average na 6.6 points at 5.7 rebounds at naging starter sa 68 games noong nakaraang season. Nagtala siya ng 1,077 blocked shots, na pang-10 sa mga active NBA player.
Sa kabuuan, si McGee ay may career averages na 7.9 points at 5.1 rebounds sa 701 games (317 starts) sa loob ng 12 seasons sa Washington Wizards, Denver Nuggets, Philadelphia 76ers, Dallas Mavericks, Golden State Warriors at Lakers.
Comments are closed.