Mga laro bukas:
(EAC Gym)
7:30 a.m. – San Beda vs LSGH
9:30 a.m. – SSC-R vs JRU
11:30 a.m. – Perpetual vs EAC
2:30 p.m. – Mapua vs LPU
4:30 p.m. – Letran vs Arellano
NAHILA ng Mapua ang kanilang perfect run sa apat na laro sa 76-62 panalo sa San Beda sa NCAA juniors basketball tournament kahapon sa EAC Gym.
Umiskor si Nygel Gonzales ng 18 points, kabilang ang lay-up na nagbigay sa Red Robins ng 10-0 kalamangan sa opening period, na sinamahan ng 6 rebounds.
Nagdagdag si Sean Salvador ng 11 points, 3 assists, 3 boards at 2 blocks para sa Mapua.
Matapos ang mabagal na simula, sandaling kinuha ng Red Cubs ang trangko, 15-14, subalit naibalik ng Red Robins ang kanilang porma at umabante ng hanggang 20 points, sa jumper ni Noel Agemenyi, may 2:56 ang nalalabi.
Nanguna si Chris Huballa para sa San Beda na may 18 points, 11 rebounds at 3 assists.
Sa iba pang laro, tinambakan ng San Sebastian ang Emilio Aguinaldo College, 82-51; ginapi ng CSB-La Salle Green Hills ang inaalat na Arellano University, 73-69; habang dinispatsa ng Lyceum of the Philippines University ang Jose Rizal University, 87-77.