Mga laro bukas:
(Filoil EcoOil Centre)
2 p.m. – Perpetual vs San Beda
4 p.m. – LPU vs JRU
PINALAWIG ng University of Perpetual Help System Dalta ang pighati ng defending champion Letran sa 74-59 panalo sa NCAA men’s basketball tournament kahapon sa Filoil EcoOil Centre.
Nanguna si Jun Roque para sa Altas na may 22 points, 11 rebounds, 2 steals at 2 blocks habang nag-ambag si Jielo Razon ng 12 points, 4 assists at 3 boards.
Sa kanilang ika-7 sunod na kabiguan ay palabo na nang palabo ang pag-asa ng winless Knights na makausad sa Final Four.
Nakatabla ng Perpetual ang San Sebastian, na naitakas ang 86-70 panalo kontra Emilio Aguinaldo College sa ikalawang laro, sa 3-4 sa seventh spot.
Naipuwersa naman ng College of Saint Benilde ang three-way tie sa EAC at sa walang larong Jose Rizal University sa fourth place sa 72-66 pagdispatsa sa Arellano University.
Todo ang papuri ni coach Myk Saguiguit kay Roque, na kinamada ang lahat ng kanyang 6 triples sa second half na naging susi sa ikalawang sunod na panalo ng Altas.
“Si Jun nagbe-benefit kasi magaling siyang humanap ng puwesto eh. Lagi siyang available doon sa spots na nira-run naming sets. Luckily, siguro hindi rin eh, kasi shooter naman talaga siya, he’s getting the shots in,” sabi ni Saguiguit.
Nagbuhos si Raymart Escobido ng 23 points, 3 rebounds, 3 steals at 2 asists habang nagtala si Jessie Sumoda ng double-double outing na 14 points at 10 rebounds para sa Stags na naibalik ang winning ways.
Iskor:
Unang laro:
SSC-R (86) – Escobido 23, Sumoda 14, Una 13, Calahat 9, Are 7, Re. Gabat 7, Desoyo 6, Ra. Gabat 5, Felebrico 2, Shanoda 0.
EAC (70) – Gurtiza 20, Maguliano 14, Robin 13, Cosejo 12, Ochavo 2, Bacud 2, Quinal 2, Tolentino 2, Angeles 2, Cosa 1, Balowa 0, Umpad 0, Luciano 0, Ednilag 0.
QS: 19-13; 42-31; 62-49; 86-70
Ikalawang laro:
Perpetual (74) – Roque 22, Razon 12, Pagaran 12, Abis 6, Barcuma 5, Omega 5, Nitura 3, Ferreras 3, Orgo 2, Nunez 2, Gelsano 2, Cuevas 0.
Letran (59) – Cuajao 15, Reyson 12, Monje 10, Ariar 5, Guarino 4, Fajardo 4, Nunag 4, Batallier 2, Santos 2, Garupil 0, Bautista 0, Jumao-as 0, Bojorcelo 0.
QS: 11-13; 21-25; 44-39; 74-59
Ikatlong laro:
Benilde (72) – Oczon 16, Carlos 15, Sangco 12, Nayve 11, Turco 4, Jalalon 4, Arciaga 3, Gozum 2, Morales 2, Mara 2, Corteza 1, Marcos 0, Lepalam 0, Jarque 0.
Arellano (66) – Valencia 16, Ongotan 13, Capulong 12, Talampas 8, Sunga 7, Villarente 3, Dayrit 22, Mallari 2, Geronimo 0, Abastillas 0, Yanes 0.
QS: 16-12; 26-36; 51-47; 72-66.