DINAGSA ng tax practitioners, accountants at professiinals ang halos magkakasabay na regional tax campaign sa National Capital Region (NCR) ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na sinuportahan ng mga mayor at iba pang local officials sa Metro Manila.
Sa Maynila, pinangunahan ni BIR Regional Director Renato Molina ang tax campaign sa iba’t ibang lugar sa lungsod para hikayatin ang mga taxpayer na magbayad ng tamang buwis na suportado ni Mayor Honey Lacuna, ayon ka Tondo Revenue District Revenue Officer Arnold Galapia.
Sa Mega Mall tax campaign ng BIR East NCR, kasama ni Regional Director Albin Galanza sina Mandaluyong City Mayor Benjamin Abalos, Sr. at BIR Commissioner Romeo Lumagui sa paglulunsad ng tax kick off na dunumog din ng taxpaying public mula sa areas ng Pasig City, Mandaluying City, Marikina City, San Juan City at Cainta City.
Sinabi ni Commissioner Lumagui na sa kanilang pangako kay Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. na kunin ang iniatang na P2.7 trilyong tax collection ngayong fiscal year ay walang dahilan upang sila’y mabigo dala ang kumpiyansang suportado mismo sila ng mga mangangalakal at sa kabuuan ng taxpaying public.
Naka-schedule naman sa susunod na linggo ang paglulunsad ng tax campaign sa areas nina Makati City BIR Regional Directors Dante Aninag, (Caloocan City), Dante Aninag (Makati City), Edgar Tolentino (South NCR) at Bobby Mailig (Quezon City) na inaasahang tatampukan ng iba’t ibang uri ng programang humihikayat sa taxpayers na suportahsn ang panawagan ni Presidente Marcos na magbayad ng tamang Buwis.
Ang National Tax Campaign ng BIR ay umarangkada noong nakaraang Pebrero 7, na pinangunahan mismo ni Pangulong BBM, kasama si Finance Secretary Benjamin Diokno at mga tax expert sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City.
“Tulungan natin ang bayan sa pangangalap ng pondo para tustusan ang lahat ng makabuluhang proyekto na ang sambayanan ang makikinabang,” anang pahayag ni Presidente Marcos sa kanyang speech sa PICC sa tax kick-off ng Kawanihan ng Rentas Internas.
“Walang ibang tutulong sa atin, kundi ang sarili natin, ang ating kapuwa at ang mamamayan ng bansa, kaya magkaisa tayo at magsama-sama para tumupad sa ating obligasyon sa bayan na magbayad ng tamang buwis,” sabi ni Revenue Commissioner Lumagui sa kanyang panawagan sa Sambayanang Filipino.
vvv
(Para sa komento, mag-email lamang sa [email protected].)