NEGOSYANTE NIRATRAT

CAGAYAN-ISANG negosyante ang hindi na ito umabot ng buhay sa pagamutan matapos na pagbabarilin ng hindi pa nakikilang mga salarin sa lungsod ng Tuguegarao City.

Nakilala ang biktimang negosyante na si Moises Joseph Collado, 34-anyos, residente ng Barangay San Gabriel ng nasabing lungsod at agad na nasawi dahil sa hindi pa mabatid ang bilang ng tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan.

Sa nakuhang impormasyon kay P/Lt. Franklin Capirma, tagapagsalita ng PNP Tuguegarao City nasa harap ng isang vulcanizing shop ang biktima dakong alas-4 ng hapon sa may Barangay Carig Sur lulan ng motorsiklo upang pahanginan ang gulong nito nang biglang dumating ang isang pick-up na lulan ang mga suspek at pinagbabaril ang negosyante.

Nakarekober ang mga awtoridad ng limang basyo ng bala mula sa m16 rifle sa pinangyarihan ng krimen na ginamit ng mga salarin na mabilis na tumalilis.
Nagsasagawa ngayon ng malalimang imbestigasyon ang pulisya sa naturang krimen.
IRENE GONZALES

Comments are closed.