INILATAG ni presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., ang mga prayoridad para agad makalikha ng trabaho sa muling pagbangon ng bansa mula sa hagupit ng Covid19, kung sakaling palaring maihalal kasama ang ka-tandem niyang si vice presidential aspirant Mayor Sara Duterte sa darating na Mayo.
Sa panayam sa SMNI nitong Sabado, inisa-isa ni Bongbong kung ano ang mga plano nila ng kanyang katambal na si Mayor Sara para makalikha ng maraming trabaho.
Prayoridad ng BBM-Sara UniTeam ang pagtutok sa negosyo, agrikultura, turismo at impraestruktura kabilang na ang pagpapatuloy sa matagumpay na programang Build Build Build ng Duterte administration.
“We must prepare ourselves for that recovery, we have to create jobs. That’s the first and most critical element in all of these, kailangan talaga ‘yung makabalik ang mga Pinoy sa trabaho,” ayon kay Bongbong sa programang Point of Order ng SMNI.
Ipinaliwanag ni Bongbong na prayoridad niya ang pagtutok sa micro, small and medium scale enterprises (MSMEs) na mabilisang makalilikha ng trabaho para sa mga Pilipino.
“It’s all about jobs, we have to put Filipinos back to work and the way to do it is to invest in sectors na maganda ang return, ‘yung tinatawag na you get the biggest bang for your buck, you invest in certain sectors na marami kaagad ang ma-employ,” ani Bongbong.
Isa pa raw na pagtutuunan ng pansin ng BBM-Sara UniTeam ay ang agrikultura na sigurado rin daw na magbibigay ng maraming trabaho at malaki ang maitutulong sa pagbangon ng ekonomiya ng bansa mula sa pandemya.
Pero giit ni Bongbong, hindi lamang ayuda sa mga magsasaka kundi long-term na solusyon ang kailangan para mapanatiling malakas ang agrikultura at maging handa ito sakaling may paparating ulit na kalamidad o trahedya.
“We will make more jobs because we are talking not about giving assistance to farmers or giving an investment to cooperatives. What we are talking about is ‘yung buong sistema ng agrikultura ay bubuoin ulit natin para lahat ‘yun may downstream activity marami talagang mae-employ ‘yan,” giit pa ni Bongbong.
Isa naman sa nakikita ng BBM-Sara UniTeam na pinakamabilis na makakalikha ng trabaho ay ang muling pagpapasigla ng turismo sa bansa.
“Tourism, lahat ay umaasa dyan. Paghandaan na natin ang tourism because una ay napakaganda talaga ng Pilipinas, kaunti lang ang ilalagay natin maglagay ka lang ng magandang kalsada, medyo maglinis ka lang ng kaunti meron ka nang tourist destination,” ani Bongbong kasabay ng panawagan na dapat ay unahing ayusin ang domestic tourism habang nagkakahigpitan pa sa mga international travel dahil pa rin sa Covid19.
Sigurado rin daw na isusulong nila ang matagumpay na programa ni Presidente Duterte na “Build Build Build” na nakalikha ng mahigit anim na milyong trabaho bukod pa sa magandang resulta nito sa imprastraktura at ekonomiya simula nang ilunsad ito noong 2016.
“Ating pina-plano at iniisip kung paano iaahon ang ekonomiya ng Pilipinas, kung paano ipagpapatuloy ang ginawa ni President Rodrigo Duterte na ‘Build Build Build’ na palakihin pa natin at pagbutihin,” sinabi pa ni Bongbong.
“Not only continue the ‘Build Build Build’ program of President Duterte but we build upon it and we will make it more extensive but it will be in conformation to a larger plan of economic development,” dagdag pa niya.
Bukod sa imprastraktura, kasama rin umano dapat ang pagsasaayos ng komunikasyon o digital infrastructure sa bansa para mapagaan ang buhay lalo na ang mga estudyante na umaasa sa online.
Nito lamang huling quarter ng 2021 tumaas sa 8.9 percent ang unemployment rate sa bansa o aabot sa 4.5 milyong Pilipino ang walang trabaho. Ito ang pinakamataas nitong nakaraang taon.
“To make the economy more robust, ‘yun ang dapat nating tignang mabuti (ang lumikha ng maraming trabaho),” giit pa ni Bongbong.