Negosyo ng sapatos target ni Ruru Madrid

NOEL ASINAS BLOG
Bukod sa paghahanda para sa biggest action-adventure series ng GMA Public Affairs na Lolong, papasukin din ni Kapuso actor Ruru Madrid ang shoe business ngayong 2021.
Ibinahagi ito ni Ruru sa interview sa GMANetwork.com, “Magtatayo ako ng business ng sapatos, itutuloy ko ‘yan! Kailangan mas magpursige ako rito sa ‘Lolong.’ Kung dati binibigay ko is 100% kailangan this time dodoblehin ko titriplehin ko pa. Ganu’n ako magiging dedicated sa trabaho.”
 Isa rin sa kanyang New Year’s resolution ay ang panatilihing fit at healthy ang kanyang katawan. “Lagi ko sinasabi na next year dapat ma-reach ko na ‘yung goal ko na katawan. Dapat next year maging mas healthy ako. So, uulitin ko lang ulit ‘yon kasi kahit papaano naman kahit hindi ko na-achieve totally ‘yung gusto ko [last year], kahit papaano may nangyayari naman.”

PEPITO TUMABA ANG PUSO SA REGALO NG ANAK

Masaya si Michael V., bilang si Pepito Manaloto, sa kanyang gift na natanggap sa anak na si Chito (Jake Vargas), na isang mug na may plant. Tumaba ang puso ni Pepito sa regalo ng anak.

Samantala, ang best friend ni Pepito na si Patrick (John Feir), masaya sa natanggap na pair of rubber shoes na pang jogging.
Niyaya ni Patrick si Pepito na sila’y mag-jogging. Tumanggi si Pepito dahil busy sa trabaho.
Naalala tuloy ni Pepito ang na-order na jogging shoes, kaya nakiusap siya kay Patrick na paki-pick sa isang tao ang pair of rubber shoes.
Super excited si Patrick sa jogging niya kaya nakalimutan kung saan nalagay ang bagong shoes ni Pepito.
Makuha pa kaya ni Patrick ang nawawalang  sapatos?
Abangan ngayong Saturday night sa GMA ang no. 1 comedy show, Pepito Manaloto.

Comments are closed.