NEGOSYO TINUTUKAN (P1K kapital napalago)

ANG pagnenegosyo ay wala nga namang kasiguraduhan. Puwedeng lumago kaagad ito at tangkilikin ng mga customer. At puwede rin namang malugi. Iba’t iba ring pagsubok ang puwede nating kaharapin sa pagtatayo ng maliit man o malaking sari-sari store o carinderia. Pero para lumago, payo ng ating bidang tindera ay ang pagiging tutok sa negosyo. At higit sa lahat, iwasan ang pagkuha ng walang bayad.

Ang ating tindera na si Merlita C. Atchera na 60-anyos na. Matatagpuan ang kanyang tindahan na Atchera Store sa Western Bicutan Taguig City.

Isanlibo lang ang naging paunang puhunan ni Merlita. Pero dahil sa tutok siya sa kanyang negosyo, paunti-unti ay lumaki ito. Gaya nga naman ng ibang negosyo na nagsimula sa maliit na halaga hanggang sa lumaki ito nang lumaki.

Pero gaya rin ng maraming negosyante, marami ring kinaharap na problema ang ating bida. Isa nga riyan ay ang pagkawala ng mga taong kumukuha sa kanyang mga paninda at hindi pagre-remit. Dito pa lang ay malaki na ang nagiging lugi o nawawala sa kanyang kita.

Para malampasan naman ito, isang para­an namang ginawa ni Merlita ay ang pagpili ng mga taong alam niyang mapagkakatiwalaan niya at may takot sa itaas.

Sa tulong din ng Panginoon ay nalagpasan ni Merlita ang ganoong mga pagsubok at problema. Nai-apply niya rin ang kanyang natutunan at na-pag-aralan sa STAR.

Nagsusumikap din ang ating bida para mapalago pang lalo ang kanyang tindahan. Sa tuwing maytindera2 naibebenta rin siya o kinikita sa kanyang negosyo ay bumibili rin kaagad siya ng ilalagay sa kanyang tindahan na mas mabenta.

“Ganoon lang lagi at makikita mong marami na ang mga paninda ko. Ibig sabihin ay lumalago na siya,” kuwento pa ng ating bida.

Para naman makuha ang loob ng customer ay kinakaibigan ni Merlita ang mga ito at kinukuwentuhan para ma-empower. Halimbawa na nga riyan ang pagsa-suggest niya kung anong produkto ang maganda at bagay sa kanyang customer. Gayundin kapag mayroong promo.

Kaya’t payo ng        ating bidang si Merlita C. Atchera sa mga kagaya niyang gustong magnegosyo, “Kaila­ngang tutukang mabuti ang negosyo para mapalago at iwasan ang pakuha ng walang ba­yad.” CHE SALUD

7 thoughts on “NEGOSYO TINUTUKAN (P1K kapital napalago)”

  1. 277441 585346I discovered your weblog internet web site on bing and appearance several of your early posts. Preserve up the very great operate. I just now additional the RSS feed to my MSN News Reader. Seeking toward reading far much more on your part down the road! 33963

  2. 126682 907124I real glad to uncover this internet internet site on bing, just what I was searching for : D likewise saved to bookmarks . 423855

Comments are closed.