NAGTULUNGAN ang mag-asawang sina Mercy at Giovani Alvirino para sa kanilang tatlong mga anak.
Kuwento ni Giovani, 41 taong gulang na taga C5 Taguig, taong 2006 nang simulan nilang mag-asawa na mamuhunan para sa kanilang negosyong tusok ng kwek kwek, bituka o isaw ng manok, balat ng manok at chicharon bulaklak.
Aminado ang mag-asawang na namuhunan sila ng halagang P3,500 para sa kanilang paninda.
Subalit, may iba pa silang gastos at puhunan at ito ay ang kanilang mga gagamiting lalagyan ng paninda, tangke o gas, kalan, at iba pa.
Nangungupahan lamang at nagtitiyagsla maliit na puwesto sa bangketa o harap ng isang saloon ang mag-asawa para matiyak na mabuhay ang kanilang mga anak.
Alas-11 ng umaga sila nagsisismulang mag-asawa na magtinda at nagsasara ng alas-7:30 ng gabi na kapag sinuwerte at maraming bumibili ay mas maaga pa silang nagsasara para makauwi.
Hindi naman namomobrelema ang mag-asawa sa kanilang mga anak na naiwan sa bahay dahil sa ito ay mga malalaki na rin.
Ang panganay na anak ng mag-asawa ay 19-anyos na at ang kanilang bunso ay 10-taong gulang na din naman.
Hindi rin naman nahihirapan ang mag-asawa sa pagtustos sa pag-aaral ng mga anak lalo na’t sa pampublikong paaralan ang mga ito nag-aaral at lalo na ngayon na online ay sa bahay lamang sila nag-aaral.
Aminado ang mag-asawa na sa una ay mahirap at talagang kailangan nilang sumugal at magtiyaga para sa kanilang mga anak.
Aminado ang mag-asawa na marami na rin ang katulad sa kanilang paninda at hindi madaling makakuha kaagad ng mga customer o suki lalo na’t baguhan lamang silang nagtitinda sa barangay Cembo na talagang dinarayo pa nila kumita lamang ng pera.
Ipinagmamalaki ng mag-asawa na lubha silang nagpapasalamat sa panginoon dahil araw-araw ay nauubos ang kanilang paninda at wala silang tirang nauuwi.
Hindi naman naitago ng mag-asawa na ibahagi na apektado rin sila noong kasagsagan ng pandemya at lubhang naapektuhan ng malaki ang kanilang kita sa kanilang negosyo.
Anila, halos kalahati ang nawala sa kanilang kita.Ngunit malaki pa din ang pasasalamat ng mag-asawa dahil patuloy pa rin silang mayroong hanapbuhay at kita para sa pangangailangan ng buong pamilya.
Hindi biro ang bumuhay ng tatlong anak na kailangan mong pakainin ng tatlong beses sa isang araw,may binayarang kuryente, tubig at iba pang uri ng gastusin.
Nadagdagan pa ang gastos nila dahil kailangan ng internet para sa pag-aaral ng mga anak.
Naging matumal pa ang kanilang negosyo dahil sa kakaunti lamang ang mga tao sa kalye at nawalan pa ng trabaho ang iba.
Kaya ginagawa ng mag-asawa para matiyak na mauubos pa rin ang kanilang paninda ay hindi sila namimili ng marami.
Kaya’t halos kalahati lamang ng kanilang puhunan ang kanilang ipinamimili para lamang kumita.
Tiyaga,oras at panahon ang iginuguol ng mag-asawa sa pamimili ng paninda at paghahanda nito.
Kailangan nilang gumising ng madaling araw lalo na’t kailangan nilang linisin ng husto ang mga bituka ng manok gayundin ang iba pang mga paninda nila para matanggal ang lansa.
Bukod sa kailangan pa nilang ilaga at balatan ang kanilang tinitindang kwek kwek na halos hindi nila tiyak kung minsan kung lahat ng itlog ng pugo na ginagamit sa kwek kwek ay good o puwede itinda matapos ilaga at mabalatan.
Sa puntong ito,sabi ng mag-asawa kung hindi mahaba ang pasensya at wala tiyaga ay tiyak na susuko at titigil na silang maghanap-buhay.
Subalit wala silang karapatang sumuko dahil mayroon silang mga anak na kailangang buhayin.
Hindi naman napapasma si Giovani na siyang nagluluto dahil sa nakakapagpahinga naman siya matapos makaluto ng konti at magluluto na lamang siya uli ng paninda pag malapit nang maubos ang una niyang niluto.
Samantalang ang asawa naman niyang si Mercy ang nag-aasikaso sa mga bumibili at kumukuha ng bayad at nagsusukli sa mga customer.
Bagaman pagod ay nawawala ang lahat ng ito SA mag-asawa sa tuwing nauubos ang kanilang paninda at mabilang ang kanilang kinita.
Inamin din ng mag-asawa na marami na din silang dinaang pagsubok at hamon sa kanilang pagtitinda simula pa lamang subalit patuloy lamang silang nagpapapakatatag at nananalig na lahat ng bagay ay kanilang malalampasan at mairaros sa gabay at pag-alalay ng Poong Maykapal. CRISPIN RIZAL