NETS GINUTAY NG CELTICS

Nets vs celtics

MAGAAN na dinispatsa ng Boston Celtics ang kulang sa taong Brooklyn Nets, 139-96, nitong Miyerkoles.

Ang Boston ay 18-for-29 mula sa field (62.1 percent) sa opening frame at umabante sa 46-16 matapos ang 12 minuto. Ito ang pinakamalaking kalamangan ng Celtics makalipas ang first quarter sa franchise history.

Naipasok ng Celtics ang 8 sa 11 3-pointers sa period — kabilang ang kanilang unang pitong attempts — at na-outrebound ang Brooklyn, 20-6. Tangan ng 2018-19 Golden State Warriors ang NBA record para sa most points sa isang first quarter (51).

Naghabol ang Brooklyn sa 79-45 sa halftime at 110-72 matapos ang tatlong quarters. Pinalobo ng Boston ang kanilang kalamangan sa 49 sa fourth quarter.

Umiskor si Boston’s Jayson Tatum ng game-high 31 points. Nagtala rin siya ng 9 rebounds, 4 assists, 2 steals at isang blocked shot bago inilabas ng Celtics ang kanilang starters matapos ang tatlong quarters. Nagdagdag si Jaylen Brown ng 26 points.

Nanguna si Kyrie Irving para sa Nets na may 20 points, 4 rebounds at 4 assists sa loob ng 31 minuto. Nagbigay si Joe Harris ng apat na 3-pointers at tumapos na may 12 points para sa Brooklyn, na natalo sa kanilang huling 10 laro kontra Boston (kabilang ang playoffs).

Bukod kay Kevin Durant, na hindi naglaro magmula noong Jan. 8 dahil sa MCL sprain, ang Nets ay sumalang na wala sina Ben Simmons (knee) at T.J. Warren (shin contusion).

Timberwolves 119, Warriors 114

Naisalba ni Anthony Edwards ang apat sa kanyang 27 points para sa huling 1:43 ng overtime nang gapiin ng Minnesota Timberwolves ang Golden State Warriors sa Minneapolis.

Bagaman na-foul out sa OT, pinangunahan pa rin ni D’Angelo Russell ang Timberwolves na may 29 points, 21 ay nagmula sa 7-for-17 accuracy mula sa arc.

Kumubra si Edwards ng 27 points at 5 assists, habang nag-ambag si Naz Reid ng 24 points at 13 rebounds kapalit ni Rudy Gobert, na hindi naglaro dahil sa sore right groin.

Nagdagdag si Kyle Anderson ng 12 rebounds at 9 points para sa Minnesota, habang gumawa si Austin Rivers ng 10 points.

Tumapos si Stephen Curry, naipasok ang lima sa kanyang pitong 3-point attempts sa first half tungo sa 21 points sa break, na may 5-for-12 sa tres at pinangunahan ang Golden State na may 29 points at 10 rebounds.

Nakakolekta si Jordan Poole ng 18 points, tumipa si Andrew Wiggins ng 16 points at kumubra si Klay Thompson ng 14 para sa Warriors. Tumapos si Drayman Green na may 10 points at 12 rebounds, at umiskor sina Jonathan Kuminga at Kevon Looney ng tig-10 points.