NEW YORK-BASED IT-BPO FIRM MAG-E-EXPAND SA PINAS

NAKATAKDANG mag-expand sa Pilipinas ang Anthem, Inc., isang New York-based company sa information technology and business process outsourcing (IT-BPO) na may specialization sa healthcare services.

Ang naturang investment plan ay inihayag ng kompanya sa isang virtual meeting kina Department of Trade and Industry (DTI) Secretary at Board of Investments (BOI) Chairman Ramon Lopez, at DTI Undersecretary at BOI Managing Head Ceferino Rodolfo.

Sinabi ni Anthem Diversified Business Group chief operating officer Rajat Puri na nananatiling kumpiyansa ang kompanya sa mga oportunidad sa Pilipinas kung saan plano rin nitong i-explore ang prospects sa pharmaceutical technology sector.

Ayon kay Anthem Strategic Operations head Stella Aquino, tinatarget nila ang Iloilo dahil ang lalawigan ang may pinakamalakas na base ng nursing talent.

Sinimulan ng Legato Health Technologies, ang local arm ng Anthem, ang kanilang operasyon sa Pilipinas noong November 2018 na may investments na P950 million at 1,000 personnel.

Sa nakalipas na apat na taon, lumobo ang mga empleyado nito sa 8,000.

“With the Duterte administration’s continued push for major economic reforms, supplemented by the country’s sound policies and systems in place, we are beginning to see increasing interest in many new sectors such as those related to telecommunications, broadband, interconnectivity, satellite services, and other digital infrastructure, such as data centers for hyperscalers and the corresponding renewable energy projects that are expected to serve as the source of power for these projects,” ani Lopez.

Idinagdag niya na maaaring anihin ng IT-BPO industry ang mga benepisyo ng mas maayos na connectivity sa bansa sa pagsipa ng investments sa telecommunications infrastructures.

Sinabi ni Rodolfo sa mga opisyal ng Anthem na inaprubahan kamakailan ng BOI ang isang telecommunications infrastructure project na nagkakahalagang P155 billion.

Dadalhin din ng SpaceX  ni Elon Musk ang unang internet nito sa satellite business sa Southeast Asia sa Pilipinas.

Pinag-uusapan na ng SpaceX at BOI ang investment plans ng una sa bansa.

“Infrastructure developments in the countryside will mean better economic activities and more opportunities in other areas of the country. Regional development has always been one of the key priorities of the Duterte Administration that will ensure the long-term, inclusive, and sustainable growth of our economy, beyond administrations and across generations,” dagdag ni Lopez. PNA