NEWBIE SEXY STAR IN LOVE KAY ACTOR

MUKHANG nag­loloko na ang isang papasikat na sexy star. Minsan daw, hindi ito sumisipot sa mga meetings at shooting. Kasi naman, lagi raw nakabuntot sa isang sikat na actor.

Problema siya nga­yon ng kanyang manager dahil palaging canceled ang mga shooting at ta­ping. Sa­yang. Promising pa naman ang baguhan sexy star. Masasayang ang career niya kung pababayaan niya

MARINELLA MORAN NAGBABALIK

Tuloy ang pag uwi sa Pilipinas ng dating Sexy Star na si Marinella Moran. Singapore based si Marinella mula nang mag lie low siya sa showbiz. Naging pangalawang tahanan niya ito pero nga­yon, magbabalik bansa siya dahil marami siyang planong gawin. Plano nitong mag produce ng mo­vie at mga shows.

Magbabalik movies pa lang, pero may mga nanliligaw na agad sa kanya. Dagsa ang mga nagme-message sa kanyang mga gwapong lalaki artista man o hindi.

Matagal nang single si Marinella at may isang anak — si Alexander Robin Hardman na nakapag-shoot na rin sa TV commercial sa Singapore. May schedule na rin itong mag-shoot sa TV commercial sa Pinas. Pero for now, nakatutok si Marinella sa pagpapapayat para sa comeback movie na gagawin niya.

BUNSONG ANAK NI JINGGOY PAPASUKIN NA ANG SHOWBIZ

Hindi na maawat ang anak ni Senator Jinggoy Estrada na si Julienne “Jill” Ejercito sa pagpasok sa show business. Syempre naman. Dugong artista yata yan. Nananalaytay sa ugat ang kaway ng showbiz.

She’s only 15 years old at ipinanganak noong March 7, 2006 pero ipina­kita na agad niya ang ta­lent sa singing and dancing. Paborito raw niya si Moira dela Torre.

She is also into photography and traveling, pero nakuha kaya niya ang talent ng lolong si Joseph Estrada at amang si Jinggoy Estrada sa acting?

Pabor naman daw ang father niyang si Jinggoy na pasukin niya ang Industriya. May paalala lang ang senador. Tapusin daw niya ang kanyang pag-aaral. Sa ngayon ay Grade 10 na siya.