MAY bahagyang pagtaas sa singil sa koryente ang Manila Electric Company (Meralco) ngayong Marso.
Ayon sa Meralco, P0.063 kada kilowatt hour (kwh) ang ipatutupad nilang dagdag-singil sa March billing.
Katumbas ito ng P13 dagdag sa mga kumokonsumo ng 200 kwh, P19 sa 300 kwh, P25 sa 400 kwh, at P31 sa mga kumokonsumo ng 500 kwh.
Ang dagdag-singil ay dahil sa pagtaas ng generation charge ngayong Marso sa P5.4737/kWh mula sa dating P5.1957/kWh, na ayon sa power distributor ay sanhi ng mas mahal na singil sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM).
“Despite improvement of supply conditions in the Luzon grid, WESM prices remained elevated in February and the secondary price cap was imposed 5.63% of the time,” ayon sa Meralco.
“With the increase in demand and the scheduled maintenance outage of Quezon Power and First Gas-San Lorenzo plants, Meralco sourced additional supply from the WESM in the February supply month,” dagdag pa nito.
Bukod dito, marami ring biniling koryente ang Meralco dahil sa nakatakdang maintenance ng Quezon Power at First Gas – San Lorenzo plant.
Ipinaliwanag pa ng power distributor na nakaapekto rin sa taas-presyo ang paghina ng halaga ng piso kontra dolyar.
“Peso depreciation against the US dollar also contributed to the increase in IPP costs, since around 97% of these costs are dollar-denominated.”
Bago ang ito ay dalawang beses munang nagpatupad ng bawas-singil sa koryente ang Meralco.