NIA OFFICIAL TINAMBANGAN, KRITIKAL

Ricardo Visaya

NORTH COTABATO – HI­NILING ni National Irrigation Administration (NIA) Chief,  Ricardo Visaya na imbestigahan ang pananambang sa isang mataas na kawani ng nasabing ahensiya sa Region 12, sa bayan ng Pikit.

Nakilala ang biktima na si Bryan Aman Maliganan, 35, may asawa at residente ng Brgy. Ba­tulawan.

Sakay ang biktima ng kanyang motorsiklo at binabagtas ang national highway sakop ng  Brgy. Batulawan sa bayan ng Pikit nang  maipit ito sa traffic. Bigla umanong lumitaw ang  riding in tandem suspects at saka dinikitan ang biktima at pinagbabaril ito gamit ang kalibre .45 na pistola

Ayon kay Pikit chief of police, Captain Mautin Pa­ngandigan, target na ng kanilang inilunsad na manhunt operation ang suspek na nasa likod ng pananambang.

Mabilis namang tumakas ang mga namaril patu­ngo sa liblib na lugar sa Pikit.

Agad ding nadala ang biktima sa Cadulong Medical Hospital ngunit inilipat din sa isang mala­king pagamutan sa Kidapawan City dahil sa mase­lang tama nito sa ulo at likod.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Pikit-PNP sa pamamaril sa biktima. VERLIN RUIZ

Comments are closed.