NIEVAREZ TODO PAGHAHANDA SA OLYMPICS

TULOY-TULOY ang pagsasanay ni rower Cris Nievarez lalo na ngayong sasabak siya Tokyo Olympics.

Magiging abala ang 21-anyos na Pinoy sa susunod na dalawang buwan para ihanda ang kanyang sarili sa tinatawag na ‘Greatest Show on Earth’.

Kinakailangang mailatag ni Nievarez, kasama sina Uzbekistan coach Shukhrat Ganiev at Ed Mirena, ang kanilang game plan sa lalong madaling panahon makaraang abisuhan ng World Rowing Federation na nagkuwalipika siya sa Olympiad noong Lunes ng umaga.

“‘Yung goal talaga ng Philippine rowing ay ma-represent ‘yung sagwan namin sa mataas na kumpetisyon tulad ng Olympics at ‘yung watawat din ng Filipinas. Susubukan ko na maibigay lahat ng best dito pa lang sa Filipinas sa bawat training na ma-improve ‘yung time  hanggang sa makadikit doon sa malalakas na countries,” pahayag ng pinakabagong  Olympian sa kanyang pagbisita sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum online edition kahapon.

“May two months na preparation pa naman, so kaya pa.”

Si Nievarez, isang Grade 12 student sa Commonwealth High School, ay naging unang Filipino paddler na nakakuha ng Olympic berth sa nakalipas na  21 taon o magmula nang katawanin ni Benjie Tolentino ang bansa sa 2000 Sydney Games.

Bilang nag-iisang Olympic entry makaraang mag-qualify sa men’s single sculls, nangako si Patrick Gregorio, presidente ng Philippine Rowing Association (PRA), na ibibigay ang buong suporta kay Nievarez sa paghahanda nito para sa Tokyo Games.

“Lahat ng puwedeng maibigay na pagkakataon na additional training kay Cris ay ibibigay natin,” sabi ni Gregorio na sinamahan ang Filipino Olympian sa session.

“Lalo na at isa lang si Cris na nag-qualify, so hindi mahirap kumuha ng suporta at sponsors para bigyan si Cris ng exposure.” CLYDE MARIANO

17 thoughts on “NIEVAREZ TODO PAGHAHANDA SA OLYMPICS”

  1. 352484 636509I basically could not go away your site prior to suggesting that I truly enjoyed the regular info an individual supply to your visitors? Is gonna be once again continuously in order to have a look at new posts 1682

  2. 638469 855941Soon after study some of the blog posts within your website now, and i genuinely such as your technique for blogging. I bookmarked it to my bookmark internet site list and are checking back soon. Pls appear into my internet web site likewise and make me aware what you consider. 345098

  3. 711934 282466After study several the websites on your personal internet website now, i truly like your means of blogging. I bookmarked it to my bookmark website list and will also be checking back soon. Pls consider my web-site likewise and tell me what you consider. 932652

Comments are closed.