(Nilagdaan ng PH, Russia) $12.6-M BUSINESS DEALS

Business Deals

MOSCOW, Russia – SAMPUNG business agreements na nagkakahalaga ng $12.570-milyon ang nilagdaan ng Filipinas at Russia.

Ang mga ito ay kinabibila­ngan ng Memorandum of Understanding kaugnay sa kooperasyon para sa information exchange and collaboration sa pagitan ng mga miyembro ng Russia-ASEAN  Business Council at ng Philippine companies; Memorandum of Intent para sa pagpapalitan ng impormasyon ng investment environment and opportunities sa pagitan ng Department of Trade and Industry at ng Maxim Pazdnikov, Association of Industrial Parks of Russia; Memorandum of Intent para sa joint exploration prospects cooperation para sa pagtatayo ng mga nuclear power plant sa pagitan ng Department of Energy at ng Evgeny Pakermanov, Rusatom Overseas.

Memorandum of Understanding sa pagitan ng Centru Pacifix Food, Inc. para sa supply ng tuna at sardine products at ng Magnit Good Retail Chain para sa Russian Market; Memorandum of Understanding sa pagitan ng Century Pacific Food Inc. para sa supply ng tuna at sardine products at ng Dalimo para sa Russian Market;  Memorandum of Understanding sa pagitan ng  Century Pacific Food, Inc.  at ng LCC Dalpromryba para sa supply ng tuna at sardine products; Memorandum

of Understanding sa pagitan ng Century Pacific Agricultural Ventures, Inc. at ng  Panasia Impex Co. Ltd para sa supply ng coconut milk products sa Russian market.

Distributorship Agreement sa pagitan ng Lifetruck International Incorporated bilang exclusive distributor ng Sturmanskie watches  sa Pilipinas at ng VOLMAX GROUP; Distributorship Agreement sa pagitan ng Lifetruck International Incorporated bilang exclusive distributor ng Kamaz vehicles sa Filipinas at ng KAMAZ FTC Inc. at Memorandum of Agreement sa pagitan ng Immunitas Holistic Cosultants Inc. at ng Institute of Practical Psychophysics para sa promotion, distribution at pagbebenta ng  IPP-NLS technologies, partikular ang Metatron Micro MRI Systems at iba pang variations sa Filipinas.

Bago pa man bumisita rito si Pangulong Rodrigo Duterte ay natalakay na nina Trade and Industry Secretary Ramon Lopez at Russian Deputy Minister of Industry and Trade Aleksey Gruzdev at kanyang delegasyon ang mga napagkasunduang trade and investment nang bumista ang Russian delegation sa Filipinas. EVELYN QUIROZ

Comments are closed.