NINONG NINA RICHARD GUTIERREZ AT SARAH LAHBATI 3 PHIL PRESIDENTS

Richard and Sarah

KASAMA sa entourage sa kasalang Richard Gutierrez at Sarah Lahbati sina Janine wallfaceGutierrez at Maja Salvador, na magaganap sa Shang­ri-La in BGC sa March 14. Ang star-studded wedding ay pangungunahan ni Pres. Rodrigo Duterte at past presidents na sina Joseph `Erap’ Estrada at Gloria Macapagal-Arroyo. Kasama rin sa principal sponsors ay sina Senate President Tito Sotto III at misis nitong si Helen Gamboa, Mother Lily Monteverde, Sharon Cuneta, Charo Santos-Concio, Gov. Chavit Singson, ang chairman ng GMA na si Atty. Felipe Gozon, ang chairman ng ABS-CBN na si Mark Lopez at iba pa.

Sa ginawang bachelorette party ni Sarah kamakailan sa Siargao, at kasama na rin ang underwater pre-nup nila Sarah at Richard, ay nakasuot ng pare-parehong black swimsuit ang mga kababaihan na kasama sa kasalan. At dito ay kanya-kanyang pose ang mga ito.

Marami ang nakapuna na bigay na bigay si Janine sa kanyang pagpo-pose na tila isang international model, samantalang simple lang ang dating ni Maja. Pinatunayan lang ni Janine na hindi lang mga OOTD ang kanyang kering-kering dalhin dito sa bansa, ma­ging sa ibang bansa man, maging mga swimwear ay bonggang-bongga niyang naisuot.

MEGAN YOUNG MUKHANG NAGDADALANG-TAO NA

MARAMI ang katanungan ang followers ng mag-asawang Megan Young at Mikael Daez, sa insidenteng iyakan sa isang photo shoot ng dalawa. Sa naturang photo shoot ay dapat happy ang aura ng dalawa, pero habang kinukunan sina Mikael at Megan ay napuna ng mga naroroon na tila may luhang namumuo sa mga mata ni Megan, at sabay sigaw ng photographer na ‘wag daw luluha ang Kapuso actress.

Pero tila hindi naka­yanan ni Megan ang emosyon at napaluha na nga ito. Naging dahilan tuloy para ulitin ang naturang photo shoot.

Ano nga ba ang tunay na dahilan kung bakit napaluha si Megan sa tabi ng asawa? Ani Megan, may binulong daw kasi ang kanyang asawa, ang katagang ‘I love you’ na nagpaantig ng kanyang damdamin. Sa labis ng kaligayahan ay hindi niya napigilan ang kanyang pagluha, luha ng pagmamahal.

Pero, iba naman ang naging komento ng mga supporters ng dalawa, may nagsasabing, baka nagdadalang-tao na si Megan? At nalaman lang ng dalawa ang tunay na kalagayan ng actress noong araw ng kanilang photo shoot? Well, kung totoo man o hindi na buntis si Megan, iisa lang ang mapatutunayan sa relasyon nila, tunay ngang they are made for each other.

Comments are closed.