KAHIT saang koponan man mapunta – Miami, Cleveland o Los Angeles – si LeBron James ang pinakamahusay na manlalaro sa National Basketball Association (NBA) para sa Sports Illustrated.
Ang website nito ay naglabas ng talaan na tinawag nitong “Top 100 NBA Players of 2019” kung saan tulad sa nakalipas na limang taon ay iniluklok ng SI.com ang ‘The King’ sa trono.
“Like Michael Jordan before him, James the athlete will eventually be eclipsed by his own legend. But as he prepares to lead a new team of prospects and misfits in a fame-obsessed metropolis, it’s clear that time hasn’t yet come,” wika ni Ben Golliver, nagsulat ng artikulo kasama si Rob Mahoney.
Nasa ikalawa at ikatlong puwesto sina Golden State Warriors’ Kevin Durant at Steph Curry, ayon sa pagkakasunod, habang No.4 si reigning league MVP James Harden ng Houston Rockets.
Ang iba pang nasa top 10 ay sina (No. 5) Anthony Davis, New Orleans Pelicans; (No. 6) Giannis Antetokounmpo, Bucks; (No. 7) Russell Westbrook, Thunder; (No. 8) Chris Paul, Rockets; (No. 9) Joel Embiid, 76ers; at (No. 10) Jimmy Butler, Timberwolves.
“Rankings were assigned based on a fluid combination of subjective assessment and objective data,” ayon kina Golliver at Mahoney.
“This list is an attempt to evaluate each player in a vacuum, independent of his current team context as much as possible.”
Hindi lamang si James ang Laker na nasa listahan, bagama’t sina Brandon Ingram (No. 75) at Lonzo Ball (No. 100) nasa mababang puwesto.
Ang iba pang Warriors na nasa talaan ay sina Draymond Green (No. 13), Klay Thompson (No. 22), Demarcus Cousins (No. 68) at Andre Iguodala (No. 87).
Comments are closed.