AYAW paawat ni Filipino karateka James De Los Santos sa gitna ng community quarantine.
Si De Los Santos ay nagwagi ng isa pang gold medal sa Balkan Open E-Tournament noong Martes, ang kanyang ikatlo sa virtual kata tournaments.
Tinalo ni De Los Santos ang Slovenia, Morocco at Spain tungo sa kanyang tagumpay laban sa South Africa sa finals.
“This tournament also adds points to the virtual kata world rankings. I’m doing my best to go after the number 1 spot,” sabi niya sa isang Facebook post.
Ang 2017 Southeast Asian Games bronze medallist ay naunang nanalo ng gold medals sa Korokotta Cup 2020 E-tournament at Palestine International Karate Cup.
Sumungkit din siya ng bronze sa SportData e-Tournament World Series.
Si De Los Santos ay kasalukuyang ranked world no. 3 sa virtual kata male seniors division.