BULACAN – NAARESTO ng pulisya sa Bulakan ang lalaking No. 3 Most Wanted ng Virac, Catanduanes na wanted sa kasong panggagahasa at tangkang pagpatay.
Sa ulat kay P/Col. Chito Bersaluna, hepe ng Bulacan Police, walang nagawa ang suspek na si Michael Ibatuan, 26, residente ng Purok 6, Pulo, Brgy. Bambang, Bulakan, nang arestuhin ng mga tauhan ni P/Lt. Col. Grace Yerro Naparato sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Lulu Contreras ng Branch 43 ng Regional Trial Court sa Virac, Catanduanes.
Nabatid na ginahasa at tinangkang patayin ni Ibatuan ang biktimang itinago sa pangalang Malou at saka tumakas at nagtago sa Bulakan, Bulacan. A. BORLONGAN