NO. 3 SEED DINAGIT NG LADY FALCONS

Standings W L
*DLSU 13 1
*NU 11 3
*AdU 10 4
*UST 10 4
FEU 6 8
Ateneo 4 10
UP 1 13
UE 1 13
*Final Four

Mga laro sa Miyerkoles:
(Smart Araneta Coliseum)
11 a.m. – DLSU vs FEU (Men Step-ladder)
1 p.m. – DLSU vs UST (Women Final Four)
3 p.m. – NU vs AdU (Women Final Four)

NAKAMIT ng Adamson ang pinakamagandang elimination round record nito sa loob ng 15 taon kasunod ng 25-22, 26-28, 25-15, 25-17 panalo laban sa Far Eastern University, isang confidence booster papasok sa UAAP women’s volleyball Final Four kahapon sa Filoil EcoOil Centre.

Nagbuhos si Kate Santiago ng 21 points, gumawa si rookie Trisha Tubu ng 3 blocks upang tumapos na may 18 points habang nagbigay si setter Louie Romero ng 21 excellent sets at nagpakawala ng 2 service aces para sa Lady Falcons.

Naitala ang kanilang unang 10-win campaign magmula noong 2007-08 season nang tumapos ito sa 12-2 at umabante sa Finals, makakasagupa ng Adamson ang twice-to-beat National University sa Final Four bilang third-ranked team sa Miyerkoles sa Araneta Coliseum.

“Opportunity ito for greatness. ‘Yung mga kalaban namin nakakakuha naman tayo ng set or two so ibig sabihin puwede, ibig sabihin may chance. Anytime na may chance na pwedeng ilaban, laro lang, laban lang,” sabi ni first-year coach Jerry Yee. Ang Adamson ay nasa kanilang unang Final Four appearance sa loob ng siyam na taon.

Ang isa pang semis pairing ay sa pagitan ng elimination round topnotcher La Salle, na mayroon ding twice-to-beat bonus, at No. 4 University of Santo Tomas.

Kailangan lamang ng Lady Spikers at Lady Bulldogs na talunin ng isang beses ang Tigresses at Lady Falcons, ayon sa pagkakasunod, para maisaayos ang rematch ng title series noong nakaraang season.

Sa isa pang laro, humataw si Eya Laure ng 28 points, kabilang ang 2 blocks at 14 digs para sa UST na tumapos din na may 10-4 record kasunod ng 25-21, 25-20, 22-25, 19-25, 15-6 victory kontra University of the Philippines.

Kumamada rin si Lorene Toring ng 3 blocks para sa 13-point outing habang nagposte si Lucille Almonte ng all-around outing na 10 points, 22 receptions at 16 digs para sa Adamson.