TINIYAK ng Department of Trade & Industry (DTI) na maliit lamang ang magiging pagtaas sa presyo ng Noche Buena items.
Sinabi ni Trade Undersecretary Ruth Castelo sa naging una nilang pagtaya nasa 3-8% ang posibleng itaas ng mga Noche Buena item tulad ng ham, keso de bola, fruit cocktail, pasta, all-purpose cream at iba pa.
Pero base sa kanilang actual computation, 1-4% o maliit lamang ang magiging pagtaas sa presyo ng mga Noche Buena item.
Kasunod nito inihahanda na ng ahensya ang ilalabas nilang suggested retail price (SRP).
Posible aniyang sa kalagitnaan ng Oktubre 15 ilabas na nila ang SRP ng mga Noche Buena item na ma-giging gabay naman ng mga mamimili.
Comments are closed.