(Noong Abril) UTANG NG PH LUMOBO SA P13.91-T

PUMALO na sa P13.91 trillion ang utang ng bansa hanggang noong katapusan ng April 2023, ayon sa Bureau of the Treasury (BTr).

Mas mataas ito ng P54.24 billion o 0.4 percent kumpara sa naunang buwan.

Ang paglobo ay dahil sa net issuance ng external debt at paghina ng piso kontra US dollar.

Ang mayorya o 68% ng utang ng bansa noong Abril ay domestic loans, habang ang nalalabi ay kinuha sa foreign borrowings.

Ang utang mula sa domestic sources ay bumaba ng 0.6% sa P9.46 trillion mula sa naunang buwan, habang ang net redemption ng domestic securities ay umabot sa P57.79 billion.

Samantala, ang foreign debt ay nasa P4.45 trillion, mas mataas ng P109.56 billion kumpara noong Marso.

Ang piso ay patuloy na humihina kontra dolyar, kung saan ang weakest level ay naitala noong Abril sa P56.21.

Samantala, ang guaranteed obligations ng pamahalaan ay bumaba ng 0.9% sa P380.69 billion.