Sa datos ng central bank, ang universal at commercial bank lending ay lumago ng 12 percent noong Hulyo, na kaparehong level noong Hunyo.
Sa month-on-month seasonally-adjusted basis, ang outstanding universal at commercial bank loans ay tumaas ng 0.6 percent.
“The sustained growth in bank lending and liquidity will support the recovery of economic activity and domestic demand. Looking ahead, the BSP will continue to ensure that liquidity and credit dynamics remain in line with the BSP’s price and financial stability objectives,” pahayag ng BSP.
Ayon sa ilang bangko, sumigla ang lending activities sa pagluwag ng COVID-19 mobility restrictions.
Dumami rin ang gumamit ng credit card kung saan lumakas ang paggasta ng mga consumer na bumibili na rin ng luxury goods bukod sa essentials.