(Noong Hunyo) PH EXTERNAL DEBT PUMALO SA $117.9-B

BSP

LUMOBO ang foreign debt ng bansa noong Hunyo, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Base sa preliminary data ng BSP, ang utang panlabas ng bansa ay pumalo sa $117.9 billion, mas mataas kumpara sa $107.7 billion na naitala noong Hunyo i2022.

Ayon sa BSP, ang pagtaas ay dahil sa $7.9 billion na net availments, at sa pagbabago ng saklaw kung saan isinama ang “non-residents’ holdings of Peso-denominated debt securities issued onshore.”

“Meanwhile, the transfer of Philippine debt papers issued offshore from non-residents to residents of $1.3 billion and negative FX revaluation of $295 million partially tempered the year-on-year increase in the debt stock,” dagdag pa ng central bank.

Gayunman, ang latest figure ay bumaba ng 0.8% mula $118.8 billion noong nakaraang Marso. Nagtulak ito sa external debt sa gross domestic product ratio sa 28.5%.

Paliwanag ng BSP, ang pangunahing dahilan sa pagbaba ng debt level sa second quarter ng taon ay ang epekto ng US Dollar appreciation laban sa iba pang currencies sa gitna ng lalong paghihigpit sa monetary policy ng Federal Reserve.

Ang borrowings mula sa public at private sectors ay bumaba sa $74.5 billion at $43.4 billion, ayon sa pagkakasunod.

Ang top creditor countries ay ang Japan, United States, at United Kingdom.

Ang iba pang pinagkunan ng utang ay ang multilateral at bilateral creditors.