(Noong Mayo) UTANG NG PH LUMOBO SA P14.10-T

PEKENG PERA

UMAKYAT na sa P14.10 trillion ang kabuuang utang ng bansa hanggang noong Mayo ng kasalukuyang taon, ayon sa Bureau of the Treasury (BTr).

Ito ay tumaas ng 1.3% o P185.40 billion mula noong Abril dahil sa net issuance ng domestic at external debt, gayundin ng paghina ng piso kontra dolyar.

Karamihan sa utang o 68% ay domestic borrowings, habang 32% ay hiniram sa foreign lenders.

Ang domestic debt ay nasa P9.59 trillion, mas mataas ng 1.4% o P130.67 billion kumpara noong Abril. Ang pagtaas sa domestic debt ay dahil sa net issuance ng government securities, gayundin ng paghina ng piso kontra dolyar.

Magmula nang simulan ang taon, ang domestic debt ay tumaas na ng P380.13 billion o 4.1 percent.

Pumalo naman ang external debt ng bansa sa P4.51 trillion, tumaas ng 1.2% o P54.73 billion mula sa naunang buwan.

“External debt was mainly driven by the net availment of external loans amounting to P10.05 billion and the impact of local-currency depreciation against the US dollar amounting to P59.7 billion.,” paliwanag ng BTr.

Magmula noong Enero, ang foreign debt ay tumaas na ng P297.56 billion o 7.1 percent.

Samantala, ang guaranteed obligations ng gobyerno ay bumaba ng 0.3% sa 379.71 billion dahil sa net repayment of external guarantees na nagkakahalaga ng P6.70 billion at third-currency adjustments ng P0.91 billion.