MAY nag-text kay yours truly named Lito at ang kanyang text message ay ganito… “Good morning Tita Merz The Great… gusto ko lang po papurihan ang ating the one and the only acknowledged Superstar Ate Guy dahil sa pagiging super propesyonal sa kanyang taping ng telebabad niyang “Onanay” (bagong paparating na Kapuso teleserye if you care to know).
Katunayan 6:00 am ang kanyang calltime pero 5:30 am nasa set na siya ng taping nila at mahal na mahal si Ate Guy ng director, assistant director at production staff sa pagiging very masipag and on time lagi kapag dumarating sa kanyang taping calltime schedule. Isa pang nakabibilib kay Ate Guy ay ‘yung super talino niya. Hindi siya nagme-memorize ng lines niya sa script at isang tingin lang niya sa script alam na niya ang gagawin.
Tita Mercy, si Ate Guy pa rin ang the greatest crowd drawer of all times becoz kahit saang lugar siya pumunta para mag-taping ng Onanay ay talagang dinudumog. Dinadamba nang napakaraming madlang pipol kahit saang lugar siya mag-taping. Talagang dinudumog at dinarayo siya nang kanyang fans and supporters.
Sa pagiging crowd drawer ni Ate Guy walang binatbat ang mga Kathniel, Lizquen at Jadine at iba pang mga batang loveteams. Wala silang binatbat kay Ate Guy bilang one and only greatest crowd drawer of all times. ‘Yan ang totoo kasi isa po akong talent na malimit mag-taping sa Onanay.”
K, noted! Thanks Lito for the info.
YASMIEN KURDI KINAKARIR ANG ROLE SA SERYE
TULOY-TULOY naman ang mga dramatic scenes ng GMA afternoon seryeng Hindi Ko Kayang Iwan Ka na kung saan ay talagang kinakarir ni Yasmien Kurdi ang pagiging dramatic actress sa kanyang role bilang victim of HIV virus or may sakit na Aids.
“Kasi magagaling din ang mga co-star ko dito at pati na rin ang galing ng pagmo-motivate sa akin nang aming mabait na director na si Direk Neal del Rosario,” pahayag sa amin ni Yasmien nu’ng dalawin namin ang taping nila.”
Ang HKKIK ay temang advocacy teleserye sa mga nagiging biktima ng HIV virus or AIDS so huwag kaligtaang panoorin tuwing hapon sa Kapuso Afternoon drama series after Step Daughters.