NOY, LENI KINASTIGO SA WPS

Secretary Alan Peter Cayetano-2

KINASTIGO ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano sina dating pangulong Benigno Aquino III at Vice President Leni Robredo dahil sa pagbibigay ng maling impormasyon kaugnay sa usapin sa pagitan ng Filipinas at China sa West Philippine Sea.

Ito ang naging reaksiyon ni Cayetano bago siya umalis  kahapon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) papuntang Singapore sakay ng Philippine Airlines para dumalo sa  51st ASEAN Ministerial Meeting na gaganapin sa sinasabing bansa.

Sabi pa ni Cayetano dapat magtanong muna si Aquino kay dating Secretary Albert del Rosario, ng Department of Foreign Affairs (DFA) kaugnay sa usaping pangkapayapaan sa West Philippine Sea, sapagkat nakarara­ting kay Del Rosario ang mga nangyayari tungkol sa problemang ito .

Dagdag pa ni Caye­tano na sinabi ni Aquino  na matapos ang arbitration sa pagitan ng Filipinas at China nagsimula na silang magsagawa ng mga preliminary meeting para sa creation  ng Code of Conduct sa West Philippine Sea.

Tahasang tinatanong ni Aquino sa Duterte administration kung ano na ang nagawa sa drafting ng guidelines o rules tungkol sa sigalot ng dalawang bansang ito.

Ikinababahala namam ni Vice President Leni Robredo ang presensiya ng  China sa WPS dahil aniya ito ay most serious external threat sa Filipinas, at pagsakop ng China sa karapatan ng mga Filipino sa WPs.

Aniya, ang Code of Conduct sa South China Sea ay gagawin o pag-uusapan sa  ministerial meeting sa Singapore kasama ang mga kasaping bansa sa Asean  na inaasahan  sa lalong madaling panahon. FROI MORALLOS

Comments are closed.