SI Anne Lorraine Ortoño ay isang nurse. Nang makapagtapos, mula sa West Visayas State University (WVSU) noong 2017, siya’y nagtra-baho sa Rural Health Unit (RHU) ng Department of Health (DOH) sa loob ng isang taon.
Gayunpaman, may ibang passion si Anne Lorraine, ang baking.
Lumaki siya sa isang ‘tightly-knit, educated, at relehiyosong pamilya sa Concepcion, Iloilo. Dahil gusto ng kanyang ina na siya’y maging nurse, sin-unod niya ang kagustuhan nito. Hindi batid ng kanyang ina, isa ring dating nurse, na gusto ng kanyang anak na magpalit ng career.
Naging inspirasyon ni Lorraine ang kanyang mga magulang kung bakit siya nagsisipag, masigasig, at madiskarte sa buhay. Maliban kasi sa kanilang regular na trabaho, ang mga magulang ni Lorraine ay nagbebenta ng mga health supplement products sa pamamagitan ng Multi-Level Marketing o MLM. Bilang pagpapakita ng suporta sa kanyang mga magulang, pumasok din siya sa networking business venture pero ‘di nagtagal ay nawalan din siya ng interes dito.
Dahil matagal niya ng gustong matutong mag-bake, nag-enroll si Lorraine sa Bread and Pastry Production NC ll sa Leon Ganzon Polytechnic Col-lege (LGPC), isang TESDA institution, noong June 2017. Ang ilang buwan niyang pagsasanay ay nakatulong ng malaki upang higit niyang mapahusay ang kanyang skills sa paggawa ng cakes at pastries. Nang umunlad ang kanyang kakahayan sa pagbe-bake, naisipan ni Lorraine na magtayo ng kanyang sariling baking business.
Maliban sa paggawa ng mga cakes, natuto rin si Lorraine na gumawa ng iba pang food products katulad ng pizza at puto cheese. Ayon sa kanya, nakatatanggap siya ng maraming orders weekly mula sa direct at online clients sa pamamagitan ng FB page. Tinatayang kumikita siya sa pagitan ng P10,000 hanggang P15, 000 bawat buwan.
“The training I had with the LGPC/TESDA taught me different techniques in baking cakes and pastries. In addition, be-ing a TESDA-trained enterprise owner has made me become a better person. I also developed great self-confidence to nurture my dream of expanding my business someday.”