SUMUNGKIT si Filipino Olympian at pole vaulter EJ Obiena ng isa pang gold sa indoor season nang pagharian niya ang 2023 Orlen Cup sa Lodz, Poland Linggo ng umaga.
Na-clear ni Obiena ang 5.77 meters upang dominahin ang kumpetisyon. Pawang na-clear nina American Sam Kendricks, local bet Piotr Lisek, at Italian Claudio Michel Stecchi ang 5.70 meters, subalit nakopo ng unang dalawa ang second at third places, ayon sa pagkakasunod.
Ito ang ikalawang gold ni Obiena makaraang maghari sa Perche En Or sa France noong nakaraang linggo.
Sinabi ni Obiena na bagama’t masaya siya at naiuwi niya ang gold, ang Orlen Cup ay isang hamon para sa kanya.
“Happy to take the win???? here today in ?ód? Orlen Cup . It was a difficult battle, both physically and mentally,” sabi ni Obiena sa kanyang post.
Ito na ang ika-4 na podium finish ni Obiena makaraang pumangatlo sa Mondo Classic kung saan napantayan niya ang national record at ang kanyang sariling personal best mark.
Sinimulan ni Obiena, nagmamay-ari rin ng Asian outdoor record na 5.94 meters, ang kanyang 2023 indoor season campaign sa silver medal sa Internationales Springer-Meeting sa Germany na sinundan ng gold sa Perche En Or competition sa France.