OBRERO KULONG SA SHABU AT SA PAGPAPAPUTOK NG BARIL

baril

NAVOTAS CITY – ARES­TADO ang isang construction worker na umano’y sangkot sa ­ilegal na droga matapos magpaputok ng baril kasama ang kanyang ka-trabaho ilang oras bago ang pagsalubong sa Bagong Taon.

Kinilala ang mga naaresto na sina Alexander Illustrisimo alyas “Sander,” 27, ng 49 Baron St. Brgy. NBBN, at Glenn Monares, 36, ng Brgy. NBBN matapos maaresto ng mga tauhan ng PCP-3 sa kanto ng R-10 at ­Linchanco St. Brgy. NBBN alas-6:45 ng gabi nang isang concerned citizen sa lugar ang nag-report ng insidente sa pulisya.

Ayon kay Navotas deputy police chief for administration Supt. Ferdinand Balgoa, isang cal. 45 pistola na may magazine at kargado ng dalawang bala ang narekober kay Illustrisimo habang ang isang basyo ng bala ay nakuha ng pulisya sa naturang lugar.

Nang kapkapan, nakuha pa sa mga suspek ang tig-isang plastic sachet na naglalaman ng hinihina­lang shabu habang aalamin pa ng pulisya ang background ng mga suspek matapos ang natanggap na report na sangkot umano ang mga ito sa kasong pagpatay at may nakabinbin na kasong concealing deadly weapon.

Inamin ni Illustrisimo ang pagpapaputok ng ba­ril subalit, itinangggi nito at ni Monares na hindi sa kanila ang nakuhang sachets ng shabu. EVELYN GARCIA

Comments are closed.