SAUDI ARABIA – BRAIN cancer ang ikinasawi ng isang overseas Filipino worker na una nang nagreklamo na minaltrato ng kanyang amo sa bansang ito.
Si Sabina Gipa ay namatay noong Hunyo 8 at batay sa death certificate, ang sanhi ng kamatayan nito ay brain cancer.
Sinasabing sa halip na mabigyan ng treatment, nagtiyaga ang OFW sa tulong ng kapuwa migrant worker na nagpainom sa kanya ng paracetamol dahil sa matinding sakit ng ulo.
Bago ito namatay, naireklamo niya ang kanyang amo na siya’y inaabuso at laging masakit ang ulo.
Sinabi naman ng mister nito na si Walter na ipinagbigay-alam noon ni Gipa ang kanyang kalagayan sa kanyang recruiter makaraang malaman ang umano’y abuso at pananakit ng ulo.
Sa video noong May 22, nakita ang nanghihinang si Gipa at inireklamo ang sinapit sa kanyang amo gayundin ang sakit na nararanasan nito.
Tiniyak naman ng recruitment agency na tutulungan nila ang naulila ni Gipa habang nanindigan na wala silang natanggap na ulat na inabuso ang nasawing OFW. PMRT
Comments are closed.