UAE – NANAWAGAN ang pamilya ng overseas Filipino worker na si Mary Jean Alberto na imbestigahan ang pagkamatay nito habang nagtatrabaho sa Abu Dhabi.
Sinabi ng pinsan ni Alberto na si Windel Bolinget, nalaman nila ang malungkot na balita noong Oktubre 4 sa pamamagitan ng Facebook.
Sinasabing pinatay si Alberto ng amo nitong Morocan noong Oktubre 2 at ang kanyang katawan ay nasa Sheik Khalifa Hospital sa Abu Dhabi.
“Ayon sa text message mula sa isa sa mga anak ni Mary Jean, ‘Hinulog si Mary Jean mula sa 13th floor at ang katawan ay nasa hindi makatarungang estado. Maaaring rason para mahirapan silang alamin at suriin ang cause of death,” ayon kay Bolinget.
Hindi rin naniniwala ang kaanak ni Alberto na nagpakamatay ito. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM