OFW NOON,MAY SARILING TINDAHAN NA NGAYON

tindahan

BUSINESS minded na rin ang mga kababaihan ngayon. Hindi kagaya noong sinaunang panahon na sa bahay lang ang mga babae—nag-aasikaso ng mga anak at tahanan.

At dahil business minded na ang mga kababaihan, ang bida natin na si Annabella A. Delos Santos, 46-anyos at nakatira sa 655 DOTC Compound, Magsaysay Extension, Purok 2A, New Lower Bicutan, Taguig. Ang pangalan ng store ng ating bida ay Dad’s Store. Sampung taon na ang Dad’s Store ni Annabella.

Dating Overseas Filipino Worker (OFW) si Annabella. Anim na taon na ang nakararaan nang magdesisyon itong huwag nang bumalik sa ibang bansa at magtayo na lang ng sariling negosyo rito sa Filipinas dahil lahat ng mga anak nito ay nag-aaral pa lamang. At ang napiling negosyo ng ating bida ay ang sari-sari store.

 

NAGSIMULA SA 50,000 NA PUHUNAN

tindahanDahil isang OFW ang ating bida, malaki-laki ang naging panimulang puhunan nito. Kumbaga, inumpisahan niya ang kanyang sari-sari store sa puhunang 50,000.

Ngunit, sa kabila nito ay kulang pa rin ang kanilang kinikita nang mai­taguyod ang pang-araw-araw na pangangailangan ng kanyang pamilya.

Kaya’t naisipan nitong mag-direct sel­ling nang madagdagan ang kanyang kita at may panggastos ang pamilya. Sa awa naman ng Diyos ay nagawang makapagpatapos ni Annabella sa kolehiyo. Ang dalawang anak niya ay nakatapos na sa kolehiyo, samantalang nasa ikaapat na taon naman sa kolehiyo ang pangatlo at grade 2 ang bunsong anak.

 

TULAY SA TAGUMPAY

Nagsilbing tulay ng ating bida ang Department of Labor and Employment (DOLE) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) upang malaman nito ang tungkol sa STAR Program ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

At dahil sa Star Prog­ram ay nagkaroon ng kaalaman si Annabella sa tamang pag-mark up ng mga paninda.

Bukod sa tamang pag-mark up ay natutunan din nito ang tamang paraan ng pagnenegosyo, gayundin kung paano ito mapauunlad o mapalalago. itinuro rin sa kanila kung paano maging magaling na entrepreneur.

Maraming natutunan si Annabella sa tatlong buwang training ng STAR Program. Ang ilan sa mga pinakamahalagang aral na natutunan nito ay ang strategy na makatutulong upang mapaunlad ang tindahan, tamang pagsasalansan ng mga paninda na naaayon sa uri nito; tamang pagkontrol ng pautang, kung paano sasabay sa nagbabagong pangangaila­ngan ng merkado, kung paano maiintindihan ang merkado at kung paano gumawa ng business at marketing plan.

Bukod sa STAR Program ay malaki rin ang pasasalamat ni Annabella sa ibinigay ng DOLE na dagdag puhunan. Dahil dito, nagkaroon sila ng kanyang pamilya ng malaking oportunidad upang mapalaki pang lalo at mapaunlad ang negos­yong mayroon sila. CHE SALUD

62 thoughts on “OFW NOON,MAY SARILING TINDAHAN NA NGAYON”

  1. 213750 437427Hey there, I think your blog might be having browser compatibility issues. When I look at your blog site in Ie, it looks fine but when opening in Internet Explorer, it has some overlapping. I just wanted to give you a quick heads up! Other then that, superb blog! 800521

  2. 737179 67606Thank you for the sensible critique. Me and my neighbor were just preparing to do some research about this. We got a grab a book from our local library but I think I learned a lot more from this post. Im very glad to see such amazing info being shared freely out there. 102816

Comments are closed.